8 months pregnant Solenn, humataw sa ‘Baby Mama Challenge’

Imahe mula sa video ni Solenn Heussaff via Facebook

• Maging ang malaki nang baby bump ni Solenn Heussaff ay hindi nakapigil dito upang gawin nito ang Baby Mama Dance Challenge
• Napa-wow ang netizens nang ipost ni Solenn ang video sa kaniyang Instagram
• Hinamon naman niya ang preggy rin na si Anne Curtis na kumasa sa challenge

Ginulat ni Kapuso actress Solenn Heussaff ang Instagram world matapos siyang mag-post ng kanyang video habang humahataw sa “Baby Mama Dance Challenge.”

Kita sa video ang malaki nang baby bump ni Solenn na ngayon ay walong buwan nang buntis. Game na game din naman ang kaniyang asawang si Nico Bolzico na siyang kumuha ng video at makikita rin na nakikiindak kay Solenn.

Sa caption, sabi ni Solenn: “4 more weeks! Baby moon can’t be normal with cray crays like nicobolzico and I. #BabyBolz doesn’t know what’s coming! Not a dancer like Shay but this will do,” sabi ni Solenn. Si Shay Mitchell ang Canadian actress na nagpasimula ng challenge.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heusaff

Matapos humataw, chinallenge naman ni Solenn ang kapwa It Girl at sister-in-law na si Anne Curtis para gawin din ito. “@annecurtissmith you’re next! #babymamachallenge,” dagdag ni Solenn sa caption ng kaniyang post.

Sumagot naman si Anne at sinabing, “Omg! You did it!!! Not sure if I can!!!!”

Kamakailan lamang ay in-announce nina Anne at asawang si Erwan na sila’y nakatakda nang maging magulang sa pamamagitan ng isang Instagram post. Nilagyan ito ni Erwan ng caption na “5/9” habang si Anne naman ay sinabing “I think you should know something…. Another reason to love November.”

Samantala, maging ang mga kaibigang artista ay hindi nakapagpigil magkomento sa post ni Solenn. Sabi ni Tim Yap, “Best thing on the ‘gram today.”

Samantala, si Bianca Gonzalez naman ay sinabing sina Solenn at Nico talaga ang “cutest, craziest, hottest parents.” Sabi naman ni John Arcilla, “The best thing mom can do to prepare for a smooth natural birth. Go Solenn! Huraaah to hip moms and dads!”

Napa-wow ka rin ba sa ginawang paghataw ni Solenn? Mahigit isang milyon na ang nanood nito!

I-click ang image para mapanood ang video via Instagram
Source :

Instagram

Loading…