89-anyos na lola, patuloy ang pagtitinda ng basahan sa kalye para makatulong sa mga apo

  • Marami ang naantig sa post ng netizen na si Kathrina tungkol sa kalagayan ng isang 89-anyos na lola
  • Patuloy kasi ang matanda sa pagtitinda ng basahan sa tabing kalye upang makatulong sa kaniyang mga apo
  • Sinabi din ng netizen na limang taon na niyang kilala ang matanda at nais niya itong matulungan lalo na ngayong kapaskuhan

Viral ngayon sa social media ang nakaaantig na kuwento ng isang 89-anyos na lola. Sa kabila kasi ng kaniyang edad ay patuloy itong nagtitinda ng basahan sa kalsada upang makatulong sa kaniyang mga minamahal na apo.

Imahe mula kay Kathrina | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na nagngangalang Kathrina ang ilang mga larawan ng matanda; bitbit ang pag-asa na sana ay matulungan ito ng maraming kababayan lalo na ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

“Christmas is the season of giving,” sabi nito sa post. “Meet Lola Ibyang. She’s 89 years old but still working hard for her grandchildren.”

Ayon sa netizen, apat na taon na niyang kilala ang matanda na noo’y nakita niyang nakapuwesto sa tabing kalsada ng Daang Hari Road malapit sa T-intersection ng Commerce Avenue sa Muntinlupa.

Nakiusap din si Kathrina sa iba na kung madaan sila sa lugar ay bumili sila sa matanda upang makapag-uwi ito ng kita mula sa 100 pesos kada pakete ng basahan na kaniyang nilalako.

“20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say ‘hi’, it will surely bring a smile on her face,” ayon sa dalaga na mababanaag ang labis na malasakit para sa lola na dapat sana ay nasa bahay na lamang at namamahinga dahil sa kanyang katandaan.

Imahe mula kay Kathrina | Facebook

Matatandaan na noong 2015 pa lamang ay nagviral na ang matanda dahil sa kaniyang kasipagan. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang kaniyang ginagawa upang patuloy na makapaghanapbuhay at para makatulong sa kaniyang minamahal na pamilya.

Loading…