AFP Band, nagpakitang gilas sa Wish 107.5 bus

Imahe mula sa Facebook | Wish 107.5
  • Ipinakita ng mga taga Civil Relations Service ng AFP ang talento nila sa pagkanta nang mag-guest sila sa Wish 107.5 bus kamakailan
  • Pawang mga orihinal na kanta ang kanilang tinugtog
  • Ito ay ang “Halika sa Kapayapaan,” “Isang Sundal0,” at “Daloy ng Pag-unlad” na lahat ay tumatalakay sa buhay ng mga sundal0

Buong pusong inawit ng Civil Relations Service – Armed F0rces of the Philippines ang mga orihinal na komposisyon ng kasamahan nang mag-guest sila sa Wish 107.5 Bus sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo.

Imahe mula sa Facebook | Wish 107.5

Sabi ni Presidential Security Group (PSG) Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations, Lt. Commander Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, naging inspirasyon niya sa pagsulat ng mga kanta ang nasaksihan niyang kabayanihan ng mga sundal0.

“I was immersed with s0ldiers during their disaster response. It is about their sacrifices, how sincere and heartwarming they (are) even without media fanfare. The songs tell the story during (typh0on) Ondoy and after Yolanda,” sabi niya.

Isa ang kantang “Halika sa Kapayapaan” sa kanilang mga kinanta. Ito ang kasalukuyang official theme song ng campaign plan ng AFP na “Development Support and Security Plan (DSSP) Kapayapaan” na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook | Wish 107.5

Inawit din nila ang soft rock na “Isang Sundal0,” na nagpapakita ng mga sakripisyo na handang gawin ng mga sundal0 para sa bayan.

Bilang pagtatapos, kinanta nila ang “Daloy ng Pag-unlad” na theme song naman ng AFP Transformation Map, isang 15-taon strategy na naglalayong gawing “strong and credible institution built on good governance” ang military.

Ikinatuwa ni Capt. Rhyan Batchar ng Public Affairs Office (PAO) ang pagkanta ng grupo dahil isang paraan daw ito para maipakita ang talent ng mga Pilipinong sundal0.

“The AFP will celebrate its 84th AFP anniversary every 21st of Dec. We are also promoting activities which are open to the public such as the ADP Concert, Static and Kinetic display, and the Art for the AFP,” sabi niya.

Samantala, abangan ang pagbabahagi ng Wish 107.5 sa kanilang YouTube Channel ng video ng kanilang pagtatanghal.

Source :

Facebook, PNA, YouTube

Loading…