Again? Mga upuan sa Cebu Domestic Airport ginawang sampayan ng mga dayuhan

  • Trending sa social media ang larawan na kuha sa Cebu Domestic Airport
  • Ginawa kasing sampayan ng mga dayuhan ang ilang upuan sa nasabing paliparan
  • Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang ginawang ito ng mga dayuhan

Kamakailan ay kinilala ng Department of Tourism (DOT) ang ika-8 milyong turistang dumalaw sa bansa. Malaking tagumpay daw ito sa bansa dahil isa itong indikasyon na patuloy na dumarami ang mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas at nagiging isa sa pangunahing sektor na nagpapalago sa ekonomiya ay ang turismo.

Gayunman, para sa ilang pagkakataon ay nakapagdudulot din ang mga dayuhan ng suliranin para sa ating mga kababayan. Patunay nito ang in-upload na larawan ng isang netizen tungkol sa mga dayuhang imbes na mapanatili ang kaayusan ng isa sa mga kinikilalang paliparan sa bansa, ay nakadagdag umano sa pasanin ng mga Pilipinong bumibiyahe ang ilang turista.

Larawan mula sa Facebook account ni Jef Araula

Ibinahagi ng netizen na si Jef Araula ang larawan ng mga upuan sa Cebu Domestic Airport na ginawang sampayan ng mga dayuhan. Kitang-kita ang mga damit, shoal, at iba pang pinatutuyong gamit sa dalawang hilera ng upuan sa nasabing airport.

“Welcome to Cebu Domestic Airport T1, award-winning airport. An added service to passengers: clothes drying! Merry Travelling everyone!” sabi ni Jef sa kanyang post na kuha isang araw matapos ang araw ng Pasko.

Sa post ni Jef ay hindi niya nasabi kung sino ba ang maygawa ng pagsasampay sa mga upuan. Dahil dito, isang Facebook friend niya ang nagsabi na sana ay hindi naman Pinoy ang gumawa noon sa sarili nating paliparan. Ipinaliwanag ni Jef na mga dayuhan daw at hindi Pilipino ang nagsampay sa mga upuan.

“Caucasians, foreigners, family traveller. I searched around the airport for security personnel. Wala akong nahanap. I wanted for security to remind them of etiquette. Apparently, they don’t have any in their country,” sagot ni Jef sa kaibigang nagtanong.

Larawan mula sa Pexels

Naibahagi na rin ng ilang Facebook page ang larawang ito ni Jef na umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga nadismaya sa ginawang ito ng mga dayuhan. Ayon sa kanila, hindi raw iniisip ng mga ito ang abalang naidulot ng kanilang aksiyon.

May ilang netizens naman na sinabing maliit na bagay lamang ang ginawa ng mga dayuhan at pinalalaki lamang ng uploader. Sumagot naman ang ilan na hindi maliit na bagay iyon at kawalan ng disiplina kaya kailangan talagang maitama.

Loading…