Aktor na si Smokey Manaloto, balik-Kapuso

  • Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling nagbabalik sa GMA Kapuso Network ang aktor–komedyante na si Smokey Manaloto
  • Makakasama siya sa pinag–uusapang teleserye na “The Gift” na pinagbibidahan ni Pambansang Bae Alden Richards
  • Gagampanan niya ang karakter na si Bradley na may malaking kaugnayan sa karakter ni Alden na si Sep

Mapapanood sa GMA Kapuso Network prime–time series na “The Gift” ang komedyante at aktor na si Smokey Manaloto matapos ang 24 na taong paglilingkod sa ABS–CBN Kapamilya Network.

Batay sa ulat, gagampanan ni Smokey ang karakter ni Bradley, lalaking may kaugnayan kay Helga na kaibigan naman ni Sep (Alden Richards). Ito ang unang pagkakataong magkakaroon ng teleserye sa GMA 7 si Smokey matapos ang maraming taong pananatili sa Kapamilya Network.

Imahe mula sa Instagram account ni Lesly Asesor

Matatandaang kabilang si Smokey sa isang variety show sa GMA Network noon na SST o “Salo–Salo Together” na umere noon 1993. Kasabay nito, naging bahagi rin siya sa iconic sitcom na “Home Along Da Riles” kung saan gumanap siya bilang panganay na anak ni Kevin Cosme, na ginampanan naman ng Hari ng Komedya na si Dolphy(1992-2003).

Napabilang din si Smokey sa iba pang ABS-CBN shows gaya ng Let’s Go (2006-2007), Maging Sino Ka Man (2006-2007), Ligaw na Bulaklak (2008), Noah (2010), Green Rose (2011), 100 Days to Heaven (2011), Luv U (2012-2015), at Playhouse (2018).

Gumaganap din siya paminsan–minsan sa case–themed drama anthology na “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado ng hapon. Ang huling TV appearance ni Smokey sa sa ABS-CBN ay isa sa mga episodes ng longest running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” na umere noong Setyembre 2019.

Public Domain Image

Mapapanood ang “The Gift” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad, sa direksyon ni LA Madridejos. Sa pangunguna ni Alden Richards, kasama rin dito sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, Divine Tetay, Betong Sumaya, Ysabel Ortega, Jean Garcia, at marami pang iba.

Habang tumatagal ay paganda nang paganda ang kuwento nito na talaga namang kinapananabikan at inaabangan ng mga manonood.

Loading…