Amo, binigyan ng surpresang pamasko ang kaniyang mga empleyado

  • Pamaskong smartphone ang sorpresa ng isang amo sa kaniyang mga empleyado
  • Ayon sa amo, kailangang tratuhin nang maayos ang mga empleyado upang pagbutihan pa nila ang kanilang trabaho
  • Nalugod naman ang mga netizens sa ipinakitang kabutihan ng amo

Gaya ng iba pang mga ugnayan tulad ng magkakapamilya, magkakaibigan, magkakamag–anak, o magkakasintahan, mahalaga ring magkaroon ng matibay na pundasyon ang relasyon ng amo sa kaniyang mga empleyado. Hindi magiging matagumpay ang isang negosyo kung hindi nagkakaisa ang amo at mga empleyado para sa iisang layunin.

Ibinahagi ng may–ari ng isang tindahan ng mga footwear  sa Facebook page nito ang ginawa niyang surpresa sa kaniyang mga empleyado bilang pamasko.

Ayon sa Facebook post ng amo, “greatest asset” niya sa kaniyang negosyo ang kaniyang mga tao. Bilang negosyante, kailangan daw umanong bigyan din ng pagpapahalaga ang mga empleyado, at hindi lamang ang mga customer.

Image capture mula sa Facebook page na Sabrinacio Footwear

“How to treat your employees right? For me, one of my greatest assets ay mga tao ko. Kung business–minded ka dapat you also mind your people, bigyan mo rin sila ng importansiya. Tao rin sila, napapagod, they also need time and attention. And most specially, ipakita mo sa kanila ang value nila sa iyo,” ayon sa caption ng post.

Dagdag pa niya, “If you take care of employees, they will take care of your customers and your business will take care of itself. Salamat mga magigiting kong sundalo!”

Makikita sa ibinahaging video ng amo na binilhan niya ng smartphones ang kaniyang dalawang empleyado. Hindi naman mailarawan ang kasiyahan sa mukha ng dalawang lalaki. Pati ang mga netizens ay nalugod at natuwa para sa kanila.

Ayon sa isa, “Giving importance to your employees because of their hard work will give you assurance to their loyalty and dedication to their job. Hard working employees deserved to be treated that way. May God bless you and your business sir.”

Pagbati naman ng isa, “Sana lahat ng amo katulad ninyo na binibigyan ng pansin ang mga trabador nila. Salute sa’yo sir!”

Saludo kami sa inyo, sir! Samantala, i–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video ng pagsurpresa ng amo sa kaniyang mga empleyado:

Image capture mula sa Facebook page na Sabrinacio Footwear
Source :

Facebook

Loading…