Ang kahulugan ng pagreregalo ng “ang pao” at mga bagay na dapat tandaan sa pagbibigay nito

  • Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan ng mga aginaldo
  • Marami ang gumagamit ng ang pao o kulay pulang sobre sa pagreregalo ng pera sa kanilang mga inaanak
  • Sa mga Chinese, may malalim na kahulugan ang pagbibigay ng ang pao

Pasko na naman. Panahon na naman ng pagbibigayan ng aginaldo kaya naman naging abala ang lahat sa pamimili ng mga bagay na ireregalo sa kani-kanilang mahal sa buhay at mga inaanak.

Imnahe mula sa Avera

Kadalasang inireregalo o natatanggap na regalo ay mga bagay na magagamit gaya ng mga damit, bags, pabango, at laruan para sa mga bata. Meron ding nagreregalo ng cash o pera na inilalagay sa kulay pulang sobre na kung tawagin ay ang pao.

Ano ba ang ang pao at paano nagsimula ang mga Pinoy sa paggamit ng kulay pulang sobreng ito na may mga Chinese characters na naka-imprenta para lagyan ng perang aginaldo?

Ang paggamit ng ang pao ay nagaya lang ng  mga Pinoy sa mga Tsino. Para sa maraming Pilipino, ang pagbibigay ng perang aginaldo na isinilid sa ang pao ay upang maging presentable ang regalo. Sa mga Tsino ay may malalim na kahulugan ang pulang sobre na kung tawagin sa China ay Hongbao (Mandarin) at Lai See (Cantonese).

Karamihan, kundi man lahat, sa ating mga Pilipino, ang ang pao ay itinatapon na lang kapag nakuha na ang perang laman, subalit sa China, ang red envelop mismo ang mas mahalaga kaysa sa laman nito. Para sa mga Tsino, ang pagbibigay ng pulang sobre ay kasingkahulugan na ipinapanalangin ng nagbigay ang kaligtasan at kalusugan ng binigyan nito.

Imahe mula sa Toluna

Ayon naman sa isang feng shui expert, ang pagbibigay ng ang pao ng mga matatanda sa mga bata ay nangangahulugan na ipinapasa ng nagregalo sa niregaluhan ang mahabang buhay na tinatamasa at ang mga nakamit na tagumpay sa buhay.

Mga bago at malulutong na perang papel lang ang dapat isilid sa ang pao. May dala umanong kamalasan ang luma at lukot na pera.

Hindi raw dapat naglalagay ng barya sa ang pao.

Ang halaga ng perang ilalagay ay hindi dapat may numerong 4 tulad ng 40, 400, 444. Ang bigkas ng numero 4 sa Chinese ay kasingtunog umano ng “pagya0,”

Kung ikaw ang tatanggap ng ang pao, dapat itong abutin gamit ang dalawang kamay. Kawalan umano ng respeto sa nagbigay kapag isang kamay lang ang ginamit. Hindi rin dapat buksan ang ang pao sa harap ng nagbigay nito.

Higit sa lahat, huwag kalilimutang magpasalamat sa nagregalo ng ang pao.

Imahe mula sa Aabante

Ngayon ay alam na natin!

Loading…