Angel Locsin at Hans Sy, kabilang sa 2019 Hero of Philanthropy ng Forbes’ List

  • Isa si Angel Locsin sa mga personalidad na napabilang sa listahan ng Forbes bilang 2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change
  • Kasama rin dito ang anak ni business tycoon Henry Sy, Sr. na si Hans Sy
  • Umani ng papuri mula sa mga Pinoy netizens ang karangalang natamo ni Locsin at Sy para sa Pilipinas

Napasama ang aktres na si Angel Locsin sa “2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change” ng Forbes’ List na kumikilala at nagpaparangal sa mga personalidad na may malaking ambag sa mga kababayan nilang apektado ng sigalot, kalamidad o krisis sa kalusugan, sa Asia–Pacific.

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Napabilang din sa naturang listahan si Hans Sy na kaanak ni Henry Sy, Sr. ng SM Group of Companies, na nagtayo at nagpasikat sa SM Supermalls, Banco De Oro, at marami pang iba.

Kinilala si Locsin dahil sa kaniyang kawanggawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang milyong pisong donasyon para sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Mindanao noong Oktubre 2019, gayundin ang bukas–palad na pagtulong niya sa Marawi siege.

Ayon sa Forbes, kung susumahin ay nakapagbigay na si Locsin ng 15 milyong piso sa nakalipas na dekada na nagamit bilang educational scholarships at tulong sa mga naging biktima ng kalamidad, ganoon din sa paglaban sa mga karapatan ng mga indigenous peoples at karahasan laban sa kababaihan at kabataan.

Si Sy naman, na umupong chairman at director ng SM Prime Holdings matapos mawala ang kaniyang ama, ay nagpaluwal ng  400,000 dolyar  o 20.4 milyong piso sa pagpapatayo ng kauna–unahang Child Haus property noong 2010, bilang temporary shelter sa ilang mga mahihirap na pamilya.

Public Domain Image

Ilan pa sa mga kilalang personalidad na napabilang sa listahan ay sina Jack Ma na nagtatag ng Alibaba, Korean actress and singer IU, founder at chairman ng Indian tech firm Wipro na si Azim Premjiand, at chairman ng Sunway Group ng Malaysia na si Jeffrey Cheah, at marami pang iba.

Umani naman ito ng papuri mula sa netizens.

“Angel without wings… Beauty and brains + with a big heart. You are truly amazing Angel Locsin! Isa kang tunay na ‘Darna’ ng totoong buhay.”

“Tunay na may ambag sa lipunan, hindi yung kunwari sining daw, perwisyo naman. She has a genuine heart and good soul.”

“She is truly a living angel on Earth. No question about this because she is always visible and present in times of crisis, sharing her utmost sympathy together with her personal contribution to the affected ones. Mabuhay ka Angel!”

Pagbati sa iyo, Miss Angel Locsin! Isa kang inspirasyon para sa ating mga kababayan!

Loading…