Anne Curtis, naluha sa birthday wish ng It’s Showtime co-host na si Teddy Corpuz

Imahe mula sa video ng Kapamilya Trending via YouTube
  • Naging emosyonal si Anne Curtis nang marinig ang birthday wish ng kapwa It’s Showtime host na si Teddy Corpuz
  • Sinabi ni Teddy na ang hiniling niya ay hindi para sa sarili kundi para sa magiging anak ng six months pregnant na si Anne
  • Sana raw ay maging healthy at complete ang unang baby ng mag-asawang Anne at Erwan Heussaff

Napaluha ang soon-to-be mom na si Anne Curtis matapos marinig ang birthday wish ng kapwa It’s Showtime host na si Teddy Corpuz sa opening ng programa.

Imahe mula sa video ng Kapamilya Trending via YouTube

Binigyan ng birthday cake ng hosts ng It’s Showtime si Teddy at tinanong kung ano ang birthday wish niya. “’Yong wish ko, hindi para sa akin eh. Ang wish ko talaga, maging complete ‘yong baby ni Anne. Walang labis, walang kulang,” sabi ni Teddy.

Hindi naman ito inaasahan ni Anne kaya hindi niya napigilang tumulo ang luha habang nagpapasalamat sa kaibigan. “Naiyak ako. Happy birthday, Teddy. Thank you for sharing your birthday wish with my baby. God bless you even more,” sabi ni Anne.

Noong nakaraang Nobyembre lamang nang ibahagi ng mag-asawang Anne at Erwan Heussaff na ine-expect na nila ang kanilang unang baby sa pamamagitan ng isang video. Ngayon ay six months pregnant na si Anne.

Matatandaang kinasabwat ni Anne ang director ng It’s Showtime na si Direk Bobet Vidanes para ibalita sa mga kaibigan at kapwa host na nagdadalantao na siya. Bilang bahagi raw ng 10th anniversary ng show, ipinasulat ni Direk Bobet sa mga host kung ano siya at ang Showtime para sa kanila. Si Anne ang nasa huli at isinulat ang “Family, I’m pregnant.”

Imahe mula sa video ng Kapamilya Trending via YouTube

Saksi ang programa sa iba’t ibang milestones sa buhay ni Anne kaya ganoon na lamang kahalaga para sa kaniya ang Showtime. “From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa and now I am going to be a mom,” sabi ni Anne.

Sina Anne at Teddy ay kabilang sa mga orihinal na hosts ng It’s Showtime nang magsimula ito noong 2009.

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…