Ano nga ba ang mga proper etiquette tuwing reunions?

  • Laging isaisip, isapuso, at isagawa ang mga proper etiquette tuwing reunion
  • Mahalaga ito upang maging happy at good vibes ang muling pagkikita–kita
  • Nagbigay ng tips ang Facebook page na “GO Cavite” para sa mga pambungad na pahayag sa reunions ngayong holiday season

Ang panahon ng holiday season ay panahon din ng reunions o muling pagkikita–kita ng mga magkakapamilya, magkakamag–anak, magkakaibigan, dating magkakaklase, dating magkakatrabaho, kasama sa samahan o organisasyon, at marami pang iba. Bawat isa ay nananabik na makita ang isa’t isa at alamin kung ano na nga ba ang kinahinatnan sa loob ng maraming mga taong magkakalayo.

Kaya naman, nagbigay ng napapanahong paalala ang Facebook page na “GO Cavite” para sa lahat ng mga dadalo ng reunions, parties, o gatherings ngayong holiday seasons. Huwag na huwag umanong kalilimutan ang mga proper etiquette na dapat isaalang–alang upang maiwasan ang “hindi intensyon” na makasakit ng damdamin ng iba. Good vibes lang, kumbaga.

Imahe mula sa Facebook page na GO Cavite

Ayon nga sa caption ng Facebook post, “Tumaba ka! Kailan kayo magpapakasal?” Bakit single ka pa rin?” Ngayong panahon ng reunions, hinay-hinay sa mga tanong para good vibes lang! Mag-focus sa positive at ‘wag nang i-highlight ang negative!”

Paano nga ba ang tamang pambungad tuwing reunion?

Narito ang ilang tips nila na magandang kapulutan natin ng gabay para walang hassles. Sa halip na magsabing “Tumaba ka!”, sabihin na lamang na “Namiss kita!” Huwag ding tanungin ang mga single kung kailan sila magkaka–dyowa dahil alam nila ang kanilang ginagawa; sabihin na lamang na “Proud na proud ako sa iyo!” Gayundin, kapag mag–dyowa naman, iwasan ang magtanong ng “Kailan kayo magpapakasal?” Sabihin na lamang na “Nice to see the both of you!” O di ba mas safe ‘yun?

Para naman sa married couple na hindi pa nagkakaanak, huwag tanungin ang “Kailan ba kayo mag–aanak?” Sabihan na lamang sila na “Blooming kayo ah!” Huwag ding magtanong ng “Ano na ang naipundar mo?” kundi sabihan na lamang siya ng “Looking good ah!”

Public Domain Image

Mas mainam siguro kung praktisin muna ang ilang linya na magandang ipambati para mas handa sa sasabihin. Tandaan, laging dalhin ang proper etiquette kahit nasaan man upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba. Reunion nga, ‘di ba? Dapat, happy lang lahat!

Merry Christmas po!

Source :

Facebook

Loading…