Araw-araw na silent drills sa bantayog ni Rizal sa Luneta, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

  • Silent drills sa harap ng bantayog ni Rizal sa Luneta, ipinag-utos ng Pangulo
  • Nais ni Pangulong Duterte na gawin araw-araw ang silent drills bilang pagpupugay para kay Jose Rizal at sa bayan
  • Na-inspire umano ang Pangulo sa silent drills na ginagawa sa China tuwing dapithapon

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines na magsagawa ng silent drills araw-araw sa harap ng bantayog ni Jose Rizal sa Luneta.

Screenshot mula sa video ni Junriel Llander via YouTube

Ito, anang Pangulo, ay bilang pagbibigay-pugay sa bayaning si Rizal at sa bansa.

Ang utos ay ibinigay ng Pangulo sa closing ceremony ng 1st Presidential Silent Drill Competition na ginanap sa harap ng Quirino Grandstand, malapit sa monument ni Rizal, kung saan ang Philippine Military Academy ang nagwagi.

Ang inspirasyon kaugnay sa silent drill ay nakuha raw ni Pangulong Duterte noong magtungo siya sa China.

“I was inspired when I went to China. Kasi every sundown, meron silang drill. A drill before the flag is lowered. And people congregate every afternoon to see the drill performed by the different units assigned for that day,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati.

“I want it done every day, may magtingin man o wala, do it for the country. I want you to go into a sort of an activity to honor Rizal at ang ating bayan. Do it and I order it every day. It will be spearheaded by the Armed Forces of the Philippines and those who’d like to participate,” utos ng Pangulo.

Imahe mula sa PCOO

Sa kanya pa ring talumpati, muling isinulong ng Pangulo ang revival ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa mga senior high school students.

“I suggest that we pass the ROTC (bill). Sumali kayo. Requirement ‘yan bago ka maka-graduate. Tiisin mo ‘yan kasi ‘yan talaga ang buhay dapat ng estudyante ng Pilipinas,” anang Pangulo.

Samantala, ibinahagi ng Manila Public Information Office sa social media ang larawan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na dumalo rin sa 1st Presidential Silent Drill Competition.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…