Hu u? Babaeng kahawig nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, pinag-uusapan sa Twitter

Imahe mula sa Twitter | Cassie
  • Marami na ang nakapansin sa pagkakahawig ng mga aktres na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre
  • Sa Twitter, isang babae ang nag-upload ng video kung saan siya ay sumasayaw at ito ay pinag-uusapan ngayon ng netizens
  • Umabot na sa 1.5 million ang views ng video niya dahil marami ang nakapapansin ng pagkakahawig niya kina Kathryn at Nadine

Noon pa man ay marami nang nakapapansin sa pagkakahawig ng mga Kapamilya actress na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Dahil sa TikTok video ng isang babae mula sa Davao City ay muli itong naging usap-usapan.

Ipinost ni Twitter user na si Cassie ang isang Tiktok video kung saan makikita siyang sumasayaw kasama ang kaibigan. Sa kasalukuyan ay may 1.56 million views, 5k retweets, at 46k likes na ito.

Imahe mula sa Twitter | Cassie

Mabilis na napansin ng fans nina Kathryn at Nadine ang pagkakahawig ni Cassie sa kanilang mga idolo. Sabi ni MryJhn, “para siyang neneng Kathryn.”  Sabi naman ng Twitter user na si Rj, akala niya raw ay throwback video ni Kathryn ang napanood.

Komento ni annaaugh199, “You look like Nadine Lustre.”

Pero marami rin ang nagsabing combination ng dalawang aktres si Cassie. Sabi ni IC Parilla, “When Nadine and Kathryn collide!” Tanong naman ni DK, “Nadine Bernardo or Kathryn Lustre?”

Dahil sa nabasang mga komento, sabi ni Angge “Akala ko ako lang nakakita na may hawig siya sa pinaghalong Nadine at Kathryn. Napa “sana all” naman ang netizen na si B.

Para naman kay kapot, blessed si Cassie dahil kahawig niya ang mga aktres. “Nadine and Kath kamukha mo, how blessed u are,” sabi niya.

Imahe mula sa Twitter | Cassie

Unang pinag-usapan ang pagkakahawig nina Kathryn at Nadine sa movie ni Nadine na “Diary ng Panget.”

Nang tanungin ang reaksyon ng dalawa sa paghahalintulad sa kanila, sinabi nilang wala itong kaso sa kanila. Ayon kay Kathryn, “very pretty and very charming” daw si Nadine. Flattered naman daw si Nadine at sumang-ayon na may mga anggulong magkamukha nga sila ni Kathryn.

Sino nga ba ang mas kamukha ni Cassie, si Kathryn o si Nadine?

Loading…