Babaeng nakatanggap ng P23k mula sa ninang, usap-usapan sa social media

Imahe mula sa Unsplash
  • Tuwing Pasko, isa sa inaabangan ng mga kabataan ay ang mga regalong matatanggap mula sa mga mahal sa buhay
  • Pinag-uusapan ngayon sa Facebook ang isang 23 anyos na babae na nakatanggap ng P23,000 mula sa kaniyang ninang
  • Kaniya-kaniyang tag naman ang mga netizens sa kanilang mga ninong at ninang sa comment section ng post

Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan. Ito rin ang panahon kung kailan maraming kabataan ang nag-aabang sa mga regalong matatanggap mula sa kanilang mga mahal sa buhay, kabilang na ang mga ninong at ninang.

Imahe mula sa Unsplash

Isang netizen ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa pagbabahagi niya ng aguinaldo na natanggap mula sa kaniyang ninang.

Ipinost ni Princess Joie Cabiles sa Facebook ang usapan nila ng kaniyang ninang na nasa ibang bansa. Pinadalhan siya nito ng P23,000 dahil 23 years old na siya. “23k as your age. Bayad na ako sa utang ko ha? Birthdays and Christmas na ‘yon,” sabi ng ninang niya. Hindi naman makapaniwala sa natanggap si Cabiles at sinabing “Ang laki nito. Nakakahiya. Thank you so much po!”

Marami naman ang nagkomento sa post na sa kasalukuyan ay may 20k reactions at 120k shares na. Karamihan dito ay tinag ang kanilang mga ninong at ninang sa post.

Pero para kay S. Tiu, hindi pera mula sa kaniyang ninong at ninang ang kukumpleto sa kaniyang Pasko. “I don’t need money. My only wish is to have my lola back this Christmas,” sabi niya.

Sabi naman ni R. Santiago, “Kung ganito na ang panahon ngayon, ayoko na talaga mag Ninang. Kakatak0t baka makul0ng ako pag ‘di ako makabigay tuwing sisingilin ako ng mga inaanak ko.”

Imahe mula sa Unsplash

Komento naman ni J. Marquina, “The best gift we can have from our ninongs and ninangs are life advices from their experiences.”

Matatandaang bago pa man sumapit ang panahon ng Kapaskuhan ay nagpaalala na ang Simbahang Katolika kung ano ang tunay na responsibilidad ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak.

“Ang papel ng ninong at ninang ay maging katuwang ng magulang, gabay. Kahit wala kayong mabigay na pakimkim, regalo ang inyong pagtulong sa magulang, ang inyong panalangin at mabuting halimbawa, mabuting asal, ang inyong pagpaalala sa mga biyaya kapag sila ay lumaki. ‘Yan ang inyong tungkulin,” sabi noon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Source :

Facebook, Sunstar

Loading…