‘Babangon tayo!’ Gazini Ganados may mensahe para sa mga naapektuhan ng bagyong Tisoy

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados
  • Kahit abala na sa mga rehearsal at shoot para sa Miss Universe 2019 Coronation Night, hindi nakalimutan ni Miss Universe Philippines 2019 na manalangin para sa mga naapektuhan ng bagy0ng Tisoy
  • Sabi niya, alam niyang resilient ang mga Pilipino kaya sigurado siyang makababangon silang muli
  • Kung sakaling maiuwi ni Gazini ang Miss Universe 2019 crown ay magiging back-to-back win ito para sa Pilipinas 

Bagama’t nasa Georgia na para sa pinakaaabangang Miss Universe Coronation Night sa Disyembere 8, nagpahatid ng panalangin si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados para sa mga kababayan na naapektuhan ng bagy0ng Tisoy.

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Gazini na malamig ang klima sa Atlanta kaya naman daw namimiss niya ang maaraw na panahon sa kaniyang hometown na Cebu.  Sabi niya pa, nabalitaan niyang palabas na ng bansa ang bagy0ng Tisoy.

Kahit nanalanta ang bagy0, sigurado raw si Gazini na makababangon muli ang mga Pilipino. “While it may have caused serious destructions, we are known to be resilient people. I am praying for everyone’s recovery,” sabi ni Gazini. “Babangon tayo!”

Samantala, sinisigurado naman ni Gazini na updated ang kaniyang fans sa mga ginagawa niyang activities bilang bahagi ng Miss Universe. Kamakailan lamang ay sinabi ni Gazini na naging abala siya sa mga shoot at rehearsals.

“Busy day today from rehearsals, shoots, dinner at @southerngentlemanatl and a whole lot bonding moments with my sisters,” sabi niya.

Maaari mong matulungang makakuha ng puwesto sa Top 20 si Gazini sa pamamagitan ng pagboto sa kaniya sa website ng Miss Universe.

Imahe mula sa Instagram | Gazini Ganados

Kung sakaling mag-uwi ng back-to-back win ang Pilipinas, si Gazini na ang ikalimang Pinay Miss Universe. Unang naging Pinay Miss Universe si  Gloria Diaz noong 1969. Sinundan ito ni Margie Moran noong 1973. Ilang taon naman ang hinintay ng Pilipinas bago muling maiuwi ni Pia Wurtzbach ang Miss U crown noong 2015. Habang ang reigning Miss Universe naman na si Catriona Gray naman ang pang-apat.

Good luck, Gazini!

Loading…