Bagong Miss Universe crown, $5 million ang halaga

Imahe mula sa video ng Mouawad via YouTube
  • Ipinakita na ang bagong crown na susuotin ng tatanghaling Miss Universe 2019 sa nalalapit na coronation night sa Atlanta, Georgia
  • Tinawag ang $5 million na crown na ‘Power of Unity’ na sumasalim daw sa nature, strength, femininity, at beauty
  • Dinaluhan ng mga opisyal mula sa Mouawad at Miss Universe Organization, reigning Miss Universe Catriona Gray, at mga kandidata ang ginawang unveiling nito

Bagong-bago ang crown na susuotin ng tatanghaling Miss Universe 2019 sa darating na coronation night sa Disyembre 8.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Tinawag na “Power of Unity” ang bagong korona na nagkakahalaga ng $5 million na gawa ng Mouawad, ang word-renowned luxury jeweler na matatagpuan sa Dubai.

Sa isang video na ibinahagi ng Mouawad sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila kung ano ang naging inspirasyon sa paggawa ng opisyal na Miss Universe crown. “The universal themes of nature, strength, beauty, femininity, and beauty—the [crown] began life with these as inspiration,” sabi sa video.

Sabi ni Pascal Mouawad, nasa isip nila ang values ng Miss Universe sa paggawa ng Power of Unity. Makikita rin sa gitna ng korona ang 62.83 carat na golden canary diamond.

“The Power of Unity is meant to celebrate a woman for being complex, diverse, unapologetically ambitious, and strong,” sabi naman ni Fred Mouawad.

Dinaluhan ang unveiling ng mga opisyal mula sa Mouawad, Miss Universe Organization, reigning Miss Universe Catriona Gray, at mga kandidata ng Miss Universe 2019. Papalitan nito ang Mikimoto crown na kasalukuyang gamit ni Catriona.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Isa ang Cebuana beauty na si Gazini Ganados sa mga may chance na makapagsuot ng Power of Unity crown.

Umaasa ang Filipino pageant fans na maiuuwi ni Gazini ang korona upang mabigyan ang bansa ng una natign back-to-back win. Noong 1969, itinanghal na unang Pinay Miss Universe si Gloria Diaz. Sinundan ito ni Margie Moran noong 1973. Ilang taon naman ang hinintay ng Pilipinas bago muling maiuwi ni Pia Wurtzbach ang Miss U crown noong 2015.

Goodluck sa iyo, Gazini!

Source :

YouTube, Pep

Loading…