Bagong modus? Netizen nagbigay paalala sa ilang motorista matapos ang naranasang insidente sa daan

  • Pinaalalahan ng isang netizen ang mga kapuwa nito motorista tungkol sa pag-iingat at pagiging alerto sa daan
  • Ikinuwento ni Kyle Christopher Marte Cinco ang karanasan habang nagmamaneho malapit sa may Robinsons Galleria sa Cebu
  • Mabuti na lamang at naging alerto si Kyle kaya walang nagawa ang mga pinaghihinalaang kawatan kung hindi umalis na lamang

Nagbigay ng paalala sa mga kapuwa nito motorista ang isang netizen matapos niyang maranasan ang bagong modus ng mga hinihinalang kawatan sa daan.

Imahe mula kay Kyle Christopher Marte Cinco | Facebook

Sa viral post ni Kyle Christopher Marte Cinco sa Facebook, ikinuwento niya kung paano siya muntik nang mabiktima ng mga masasamang loob dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng Pasko.

“This happened near Robinson Galleria Cebu today around 5:30 pm,” sabi ng netizen sa post.

“Someone left a bag of paint on the road, I ran over it and a motorcycle approached me that there is paint on the car,” dagdag nito.

Sa kabila ng pagmamagandang-loob na ipinakita ng mga lalaking lumapit sa kotse ni Kyle ay inuna pa rin ng netizen na isipin ang kaniyang seguridad.

Kinutuban umano siya sa layunin ng mga lalaki nang mapansin niyang may isa pang nakaabang sa pagbubukas niya ng pintuan ng sasakyan.

“I’ve noticed something is off,” saad ni Kyle. “As I was about to open the door, I noticed there was another guy who was waiting for me to unlock the door. He was outside on the passenger side back seat. When they realized that I already know what they are up too, they sped off.”

Ibinahagi ito ni Kyle sa social media upang magbigay ng aral sa mga kapuwa niya motorista.

Imahe mula kay Kyle Christopher Marte Cinco | Facebook

Paalala nito, maging alerto at huwag na huwag bubuksan ang pintuan ng sasakayan lalo na sa hindi naman nila kakilala.

Source :

Facebook

Loading…