Bagong PNR train tinarget ng mga vandals, riles hinarangan ng mga yero at gulong

  • Gulong at mga yero nakitang nakaharang sa riles ng tren sa Sampaloc, Maynila
  • Posibleng magkaroon ng pinsala ang undercarriage ng tren kung sakaling nadaanan ang mga bagay na nakaharang
  • Kinundena ng DOTr ang panibagong pagtatangkang paninira sa mga PNR trains

Hindi pa man nareresolba ang mga kaso ng pamamato sa mga lumang tren ng Philippine National Railways (PNR) ay may panibago na namang pagtatangkang ginawa upang mapinsala ang bagong tren ng PNR na na binili sa Indonesia.

Imahe mula kay PNR GM Junn Magno

Ibinahagi ni PNR General manager Junn Magno ang ilang larawan na nagpapakita ng gulong at mga yero na pinaniniwalaang sadyang inilagay sa riles sa Sampaloc, Maynila upang mapinsala ang undercarriage o ang ilalim na bahagi ng bagong tren.

Sinabi ni DOTr Director for Communications Goddes Hope Libiran na ang undercarriage ng tren ang pinupuntirya ng mga vandals sapagkat hindi na basta maaapektuhan ng pamamato ang bintana ng bagong train units dahil yari ang mga iyon sa polycarbonate na hindi basta nasisira.

Nakipag-ugnayan na umano sila sa  mga awtoridad upang mabigyan ng aksyon ang panibagong pagtatangka sa PNR train at mapanagot ang mga taong dapat managot.

Nanawagan si Libiran sa publiko na sana ay tulungan ang pamahalaan na mapangalagaan ang mga imprastraktura upang magamit ang mga ito nang mas mahabang panahon. Aniya, tayong lahat naman ang nagmamay-ari ng mga ito.

Imahe mula kay PNR GM Junn Magno

Pakiusap niya, dapat i-report sa anumang ahensya ng pamahalaan kung may maaaktuhang gumagawa ng paninira sa mga ari-arian ng gobyerno.

There is no place in society for these dastardly acts, especially at a time when when your government is doing everything it can to provide the riding public with modern transport infrastructure,” anang DOTr official.

Imahe mula kay PNR GM Junn Magno

Loading…