Bahay ng isang lola sa Taiwan, tulong-tulong na kinumpuni ng mga nagboluntaryong kababayan

  • Kinumpuni ng isang grupo ng mga boluntaryo ang barong–barong na bahay ng isang matandang babae sa Taiwan
  • Tila babagsak na kasi ang bahay kapag dumating ang isang malakas na bagy0
  • Hindi naman makapaniwala ang lola sa biyayang kaniyang natanggap na 45 taong nagtitiis sa kaniyang bahay

Kung inaakala mo na sa Pilipinas lamang uso ang bayanihan, nagkakamali ka. Kahit sa ibang bansa ay patuloy itong isinasagawa, lalo na sa mga bansa sa Asya.

Isang matandang babae na naninirahan sa isang village sa Pingtung Country, Taiwan ang nakatanggap ng surpresa mula sa isang grupo ng mga boluntaryo na nakapansing malapit nang magupo o magiba ang kaniyang tinitirhang munting barong–barong, batay sa ulat ng Artikulo Blogazine.

Public Domain Image

Batay sa panayam na isinagawa ng grupo, 45 na taon nang nanunuluyan sa naturang bahay ang matanda. Gustuhin man niyang ipakumpuni ito, wala siyang sapat na salapi upang magbayad ng mga karpintero na gagawa nito. Dahil nga may edad na rin siya at hindi na kaya ng kaniyang katawan, hindi rin naman niya ito magagawa.

Nabagbag ang damdamin ng mga boluntaryo kaya naman kinumpuni nila ang bahay ng matanda sa pamamagitan ng bayanihan. Sariling gastos nila ang kanilang ipinaluwal at hindi tinipid ang kanilang mga ginamit na materyales lalo na sa semento. Pinakabitan pa nila ito ng tubo ng tubig, linya ng kuryente, at iba pang mga pangangailangan ni Lola.

Masayang–masaya naman ang Lola sa natanggap niyang biyaya mula sa kaniyang mga kababayan.

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa mga netizens. Turan ng isa, “God bless sa lahat ng tumulong pagpalain kayo ng Poong Maykapal sa inyong lahat na tumulong, sana ay marami pa kayong matanggap na blessing.”

Public Domain Image

“Sana all! Sana dumami pa yung mga ganitong tao, hindi lamang sa Taiwan kundi maging sa Pilipinas, salamat sa effort ninyo na tulungan si Lola para maayos yung bahay niya,” pasasalamat naman ng isa.

Sa Pilipinas, makikita ang ganitong uri ng pagdadamayan lalo na sa panahon ng pananalasa ng mga kalamidad tulad ng bagyo o pagyanig. Masasabing masigla pa rin ang bayanihan sa ating bansa.

Loading…