Balik–gunita: Kinilig ka rin ba sa kuwento ng pagmamahalan nina “Florante at Laura”?

  • Nanumbalik ang gunita ng mga netizens sa kuwento ng pag–iibigan nina Florante at Laura
  • Ito ay likha ng mahusay na makatang si Francisco “Balagtas” Baltazar
  • Sa kasalukuyan ay binabasa at pinag–aaralan pa rin ito ng mga mag–aaral ng Ikawalong Baitang sa Junior High School bilang bahagi ng asignaturang Filipino

“Oh pagsintang labis nakapangyarihan, sampung mag–aama’y iyong nasasaklaw, ‘pag ikaw ay nasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Kung natatandaan mo ang sikat na saknong na iyan, tiyak na isa ka rin sa mga kinilig sa kuwento ng pag–iibigan nina Florante at Laura, gayundin nina Aladin at Flerida. Isang netizen na nagngangalang “Romeo del Carmen” ang nagbahagi sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ng pabalat ng isang lumang aklat ng Florante at Laura.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Naaalala ninyo pa ba ang kuwento ng Florante at Laura na nilikha ni Francisco Balagtas? Naging bahagi din ba ito ng High School Life ninyo? Kuwento ninyo naman ang inyong karanasan.”

Nagbahagi naman ng kanilang karanasan ang ilang mga netizen.

“Reading requirement po iyan para sa grade 8 Filipino ng K to 12. Katumbas ng 2nd year noon.”

“Our class was divided into groups to make a role play per chapter. Then discussion follows. Iyan po ang ginamit na style ng teacher namin para ituro ang Florante at Laura. Medyo exciting din.”

“Naging subject ko yan sa 2nd year high school, tapos nang magpractice teaching ako sa FEU (high school department) nagturo rin ako niyan. Isang karanasan ang hindi ko malilimutan sa practice teaching ko (1970). Tinanong ko sa klase kung ano ang ipinabaon ni Laura kay Florante bago ito pumunta sa digmaan. Ang sagot ng isang lalaking estudyante, ‘pandesal na may palamang matamis sa bao.'”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagsimula ang kuwento ng Florante at Laura sa isang gubat na mapanglaw kung saan nakagapos sa isang puno ang binatang si Florante na naghihinagpis dahil sa kagagawan ng kalabang si Konde Adolfo, na umagaw naman sa kaniyang minamahal na si Laura, at pumaslang sa kaniyang amang si Duke Briseo ng kahariang Albanya.

Nagkataong naroon din ang prinsipeng Moro na si Aladin kaya nailigtas niya si Florante mula sa kapahamakan. Isinalaysay nila ang kanilang mga buhay sa isa’t isa kahit na magkaiba ang kanilang mga sekta at lahi. Sa pagtatapos, nagkrus ang landasin nila ng kanilang mga minamahal sa gubat na tumakas din mula sa kanilang mga kaaway.

Ang awit na Florante at Laura ay nilikha ng mahusay na makata at manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Sinasabing ang naging inspirasyon niya rito ay ang pamamanglaw niya sa pagkakawalay kay Maria Asuncion Rivera, ang babaeng una niyang minahal na inagaw ng kaniyang karibal na si Mariano “Nanong” Capule.

Source :

Facebook

Loading…