Balik-tanaw: Kinumpuni mo rin ba ang iyong tsinelas noon gamit ang alambre?

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang larawan ng isang luma at sirang tsinelas na isinaayos sa pamamagitan ng mga alambre
  • Karaniwan sa mga bata noon ay ganito ang ginagawa sa kanilang mga tsinelas
  • Marami sa mga netizens ang nakaugnay at nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil dito

May mga taong sadyang mataas ang pagpapahalaga sa mga bagay na pag–aari nila o sentimental value. Minsan, kahit sira–sira o lasog–lasog na, patuloy pa rin itong itinatago, ginagamit, o iniingatan. Kahit may pamalit naman o may bago, mas pinipili pa ring gamitin ang luma.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang isang larawang ibinahagi ng Facebook user na si Rene Seno sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Makikita sa Facebook post ang isang luma at sirang tsinelas na binuo pa rin at pinagtagni–tagni upang magamit sa pamamagitan ng mga alambre.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen na nakaranas na makagamit ng ganitong tsinelas noong pagkabata.

Pagbabahagi ng isa, “Totoo iyan noong araw, kasi mahirap ang buhay, ewan ko kung mayroon pa na nagsusuot ng ganyan ngayon or sa provinces kasi maraming nagbibigay na ngayon ng free slippers even sa provinces.”

“Hindi ko naman naranasan ang ganyan kasi matibay ang tsinelas namin noon… SPARTAN, na ORDINARYO lang noon. Makapit, hindi ka dudulas kapag basa ang sahig o kalsada. Sa tibay, ang kalimitang sakit ng mga tsinelas noon ay yung mapudpod na yung sa may sakong, nabubutas. Pero ngayon hirap na hanapin, kung meron man ang mahal,”  sabi naman ng isa.

Turan naman ng isa pa, “Sana naman walang nagsusuot na ng ganito. It breaks my heart. Masyado nang delikado ang mga ganiyan. If something happened to the feet, surgery costs a lot more than buying a new one. Wires can still be used than the slipper and probably costs same.”

Public Domain Image

Sa kasalukuyan, maraming gumagamit ng tsinelas dahil komportable itong panapin sa paa. Maaari kasi itong gamitin sa loob at labas ng bahay. Bukod sa panapin sa paa, ginagamit din ito ng mga bata bilang pamato sa paglalaro ng tumbang preso; isang uri ng larong pangkalye.

Source :

Facebook

Loading…