Banana artwork na nagkakahalaga ng mahigit P6 milyon, kinain ng isang gutom na lalaki sa art show

  • Isang banana artwork ang naibenta sa isang art show sa halagang mahigit anim na milyong piso
  • Ang artwork na tinawag na “Comedian” ay isang tunay na hinog na saging na idinikit sa pader ng art gallery
  • Isang gutom na lalaki ang kumain sa “Comedian” sa harap ng mga nagitlang art fans

Isang kakaibang uri ng artwork ang naka-display sa isang art gallery sa Miami, Florida – isang totoong hinog na saging na idinikit sa pader ng Galerie Perrotin sa pamamagitan ng duct tape.

Screenshot mula sa Eyewitness News

Nabili ng isang French art collector ang nasabing artwork na tinawag na “Comedian” sa halagang $120,000 o katumbas ng mahigit anim na milyong piso. Ang Italian artist na si Maurizio Cattelan ang gumawa ng banana artwork.

Isang lalaki na nakilalang si David Datuna, isa umanong performance artist mula sa Georgia, USA, ang biglang lumapit sa banana artwork. Inalis niya iyon sa pagkakadikit at binalatan bago kinain sa harap ng mga nagitlang mga art fans.

Sa isang video, makikita si Datuna habang kinakain ang artwork.

“Art performance … hungry artist. I love Maurizio Cattelan artwork and I really love this installation. It’s very delicious,” ani Datuna habang kinakain ang hinog na saging.

Isang gallery official ang lumapit kay Datuna at pinasunod siya sa isang silid para kausapin sa kanyang ginawa.

Agad namang naresolba ang isyu at sinabi ng director of museum relations ng Galerie Perrotin na si Lucien Terras na hindi naman nasira ang artwork.

Screenshot mula sa video ni David Datuna via instagram

“He (Datuna) did not destroy the artwork. The banana is the idea,” ani Terras.

Aniya, ang mga art collectors ay interesado sa Certificate of  Authenticity ng artwork kaysa sa mismong saging na hindi magtatagal ay mabubulok din naman at kailangang palitan.

Hindi umano nagustuhan ni Emmanuel Perrotin, ang may-ari ng art gallery, ang ginawa ni Datuna. Subalit naging maayos din naman ang lahat dahil matapos ang labinlimang minuto ay napalitan na ang saging na idinikit sa pader.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…