Barbie Forteza, nabiktima ng basag-kotse sa QC

  • Barbie Forteza nabiktima ng basag-kotse gang sa Quezon City
  • Binasag ng salarin ang salamin sa passenger seat ng sasakyan ng aktres
  • Natangay ng salarin ang bag ng ina ni Barbie

Nabiktima ng tinatawag na “basag-kotse gang” ang Kapuso actress na si Barbie Forteza sa T. Gener corner K-1st Street sa Kamuning, Quezon City. Natangay ng salarin ang bag ng kanyang ina.

Screenshot mula sa video ni Jak Roberto

Sa vlog ng aktor na si Jak Roberto, nobyo ni Barbie, unang inihayag ang pangyayari.

“Isang malaking balita po ang ibabalita ko sa inyo ngayon. Isang insidente po ang nangyari kina Barbie noong December 21. Nabasagan po ng kotse sila Barbie,” ani Jak Roberto.

Ayon pa sa aktor, wala namang mahahalagang bagay at cash na kasama ng natangay na bag ng ina ni Barbie dahil tanging power bank, lipstick, wet wipes, at tali sa buhok ang laman niyon, subalit perwisyo ang idinulot nito sa pamilya ng aktres.

“Still, masyadong perwisyo…abala…ang naidulot. Syempre hindi magamit ‘yung sasakyan kaya, iyon, ipinagawa ni tito ‘yung sasakyan,” ani Jak.

Sinabi ni Barbie na siya ang unang nakapansin na basag ang salamin sa passenger seat side sa unahan ng kanilang sasakyan.

Ayon pa sa aktres, sinabi umano sa kanila ng mga pulis na nakasasakop sa lugar na pinangyarihan ng insidente na marami nang nabiktima doon dahil ang mga CCTV camera sa mga poste ay hindi na gumagana kaya malakas ang loob ng mga salarin.

Screenshot mula sa video ni Jak Roberto

Hindi naman nagustuhan ng ina ng aktres ang tinuran ng mga pulis. Aniya, ang mga biktima pa ba ang dapat mag-adjust sa lugar. Dapat umanong well-secured ang lugar lalo na at alam ng mga pulis na sira ang mga CCTV sa lugar.

Sa vlog, nakiusap si Jak Roberto sa salarin na sana ay maghanap na lang ito ng maayos na trabaho upang walang ibang taong napeperwisyo.

Screenshot mula sa video ni Jak Roberto

Loading…