Be kind to animals: Huwag magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon

  • Sa pagsalubong sa Bagong Taon, ipinapayo ng mga eksperto sa hayop na iwasan ang magpaput0k
  • Hindi gusto ng mga aso at pusa ang ingay mula sa mga ganito
  • Nakararamdam ng stress ang mga pets dahil sa ingay mula sa mga firecrackers

Sari-saring pamamaraan ang ginagawa ng mga Pilipino sa pagsalubong sa Bagong Taon. Nariyan ang paghahanda ng maraming pagkain na pinagsasaluhan ng buong mag-anak na kung tawagin ay media noche.

Image via Pixabay

Nakaugalian na rin natin ang maingay na pagsasaya sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga firecrackers tuwing sasapit ang alas-dose ng gabi upang sasalubungin ang Bagong Taon. Pinaniniwalaan na ang ingay na dulot ng mga paput0k ay nagtataboy ng mga masasamang espiritu at ng kamalasan – paniniwalang nakuha raw natin mula sa mga Chinese.

Isang malaking kasiyahan sa mga Pinoy ang pag-iingay tuwing sasalubungin ang bagong taon, subalit kabaliktaran naman ang epekto nito sa mga alaga nating hayop; partikular na ang mga aso at pusa.

Ayaw nila ng ingay na dulot ng mga fireworks. Nanginginig at hinihingal sila dahil sa pagkagulat. Ninenerbiyos sila sa ingay ng mga fireworks. Kadalasan, ang mga firecrackers ay may masamang dulot sa mga aso.

“Dogs have highly sensitive hearing. The noise from fireworks can make them uneasy and feel stressed. Furthermore, it can make our pets sick and traumatized,” ayon kay Anna Cabrera ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS.

Ganito naman ang sinabi ng DogTime: “While we humans enjoy small town parades, family barbecues and late night fireworks displays, thousands of pets will be in a panic. You see, Fido and Fluffy do not understand that the ‘rockets red glare’ and the ‘b0mbs bursting in air’ we enjoy are just humans’ idea of harmless fun.”

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society

May mga naitala na ng kaso ng mga aso na nakalunok ng mga paput0k na inihahagis ng mga tao na nagdulot sa kanila ng pinsala.

Kadalasan, nasasaktan ng mga aso at pusa ang kanilang mga sarili sa pagtatangkang takasan ang ingay na dulot ng mga paput0k.

“I have seen them bite through a metal cage and injure their teeth and gums, and also jump through plate glass windows. They try to escape the noise, not knowing that it is outside,” ayon sa isang beterinaryo.

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society

Ipinapayo na panatilihin ang mga pets sa loob ng bahay at siguruhing malayo sila sa mga paput0k. Maigi rin umano na ma-ehersisyo ang mga aso at pusa sa umaga ng New Year’s Eve upang sa pagsapit ng alas-dose ng gabi ay pagod na sila at madaling makatulog.

Sinasabi rin ng mga eksperto na huwag ikadena ang mga aso sa kasagsagan ng putukan dahil posibleng masakal sila kapag nagulat sila sa ingay. Nawa’y pangalagaan ng mga pet owners ang kanlang mga alagang hayop.

Source :

Manila Standard, Philippine Animal Welfare Society

Loading…