Bentahan ng paputok at pailaw sa Bocaue malakas pa rin sa kabila ng paghihigpit

  • Bentahan ng mga paputok at pailaw malakas pa rin sa kabila ng paghihigpit ng pamahalaan
  • Ilang mga firecrackers at fireworks vendor sa Bocaue, Bulacan ang nagsabing dagsa pa rin ang bumili ng mga produkto nila
  • Ayon sa Philippine Fireworks Association, mas mabili ang mga pailaw o fireworks gaya ng fountain at sparklers kaysa sa mga paputok

Patuloy na dinaragsa ng mga mamimili ang mga tindahan ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan sa kabila ng ginawang paghihigpit ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng permit sa mga pagawaan.

Imahe mula sa Pixabay

May mga fireworks vendor ang nagsasabi na mas matumal ang benta nila ngayon kumpara sa benta nila noong nakaraang taon, subalit marami rin ang nagsasabing mas malakas ang bentahan ngayon ng mga paputok sa kabila ng paghihigpit.

Ilan sa mga tindahan ng paput0k ang hindi na nagbukas dahil pahirapan na raw makakuha ng permit, pero ang hindi nila pagbubukas ng puwesto ay nakabuti sa mga nagsipagbukas ng kanilang mga tindahan dahil mas marami umano ang bumili sa kanila.

Ayon naman sa Philippine Fireworks Association, mas mabili ngayon ang mga pailaw o fireworks gaya ng fountain at sparklers kaysa sa mga paput0k o firecrackers.

“Makikita natin ngayon mas marami ang gumagamit ng fountain, mga sparklres, mga pailaw. Nakikita nila mas safe ang mga pailaw, sa EO (Executive Order) 28 kasi mas mahirap gamitin ang paput0k, mas mabilis gamitin ang pailaw,” ayon kay Joven Ong, pangulo ng Philippine Fireworks Association.

Imahe mula sa PNA

Sa ilalim ng Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagbabawal ang mga indibidwal sa paggamit ng paput0k o pagtatayo ng sariling fireworks display.

Kaya naging mas mabili ang mga pailaw ay dahil na rin sa anti-firecrackers campaign ng pamahalaan, partikular na ang Department of Health.

Sa ngayon ay patuloy ang panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na mga pampaingay na lamang ang gamitin sa pagsalubong sa bagong taon dahil umabot na sa 46 na tao ang nasaktan dahil sa mga paputok.

Imahe mula sa DOH

Loading…