Bilang celebration ng 5th anniv: Bianca Gonzalez, JC Intal nag-renew ng wedding vows

Imahe mula sa Instagram | Bianca Gonzalez
  • Renewel of vows ang naging paraan nina Bianca Gonzalez at JC Intal upang ipagdiwang ang kanilang ika-limang wedding anniversary
  • Sa Instagram post, ibinahagi ni Bianca ang ilang snapshots mula sa intimate ceremony
  • Inirekomenda ni Bianca sa mga mag-asawa na mag-renew ng wedding vows ‘when you feel the time is right’

Bilang pagdiriwang ng ika-limang wedding anniversary, nag-renew ng wedding vows sina Kapamilya host Bianca Gonzalez at PBA player JC Intal sa isang simpleng ceremony kasama lamang ang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Bianca Gonzalez

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bianca ang ilang mga larawan mula sa intimate ceremony. “Five years may seem a bit ‘soon’ to renew wedding vows, but for us, we felt it was the perfect time to be reminded of what marriage is and how we can continue to nurture our relationship as husband and wife,” sabi niya.

Sabi ni Bianca, ang buhay mag-asawa ay hindi masasalamin sa mga “picture-perfect moments” tulad ng ibinahagi niya. “And anyone who is married with kids knows that the blissful newlywed stage is FAAAR from the exhausted, sleepless, breastfeeding-and-chasing-after-kids stage. Marriage is a daily choice to love your spouse,” dagdag niya.

Kuwento niya rin, malaki ang pagkakaiba ng kanilang kasal five years ago at ngayon na may dalawa na silang anak. “Our vows during our wedding day were idealistic and said through rose-tinted specs. Our vows today, after 5 years and 2 kids, are more rooted and real,” sabi niya.

“I cried hearing my husband share what was in his heart, and I cried while reassuring him of my love and apologizing for my shortcomings in the midst of the daily grind of my being focused on our young kids’ needs,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Instagram | Bianca Gonzalez

Bagama’t magkahiwalay raw nilang isinulat ang wedding vows, pareho sila ng sinabi sa huli. “Mahal, like I said 5 years ago, may we both never forget the feeling of our wedding day, and may we both never forget the feeling of today.”

May payo rin si Bianca sa lahat ng mga mag-asawa “To all married couples reading this, I highly recommend renewal of vows when you feel the time is right.”

Congratulations, Bianca at JC!

Source :

Instagram

Loading…