Buntis na iniwan ng kinakasama, tinulungan ni Raffy Tulfo sa gastos sa panganganak

Imahe mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube
  • Lumapit ang isang buntis na nasa kabuwanan na sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong
  • Hindi na raw kasi sila sinusustentuhan ng dati niyang kinakasama
  • Sinagot naman ni Tulfo ang pagpapaanak at maging ang mga medikasyon ng mag-ina

Sinagot ng programa ni Raffy Tulfo ang panganganak ng isang ginang na umano ay iniwan ng kaniyang kinakasama.

Imahe mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

Ayon sa video na ini-upload sa YouTube channel ng programa, nakikipagkuwentuhan lamang si Tulfo sa mga dumalaw sa kaniyang programa nang mapansin niya ang buntis na si Grace Tapia na nasa kaniyang kabuwanan na pala. Napaluha raw ito habang kinukuwento sa host na inaband0na na sila ng ama ng kaniyang dinadala.

Dahil dito ay agad siyang pinapunta ni Tulfo sa kaniyang opisina upang abutan ng tulong. Ipinangako sa kaniya ni Tulfo na sasagutin ang kaniyang panganganak at binigyan din siya ng P25,000 upang makabili ng gamit ng kaniyang baby girl.

“Aayusin ko po ‘yong problema ninyo doon sa 0spital. Lahat po ‘yon, ako ang sasalo. Sa immediate needs mo, ‘yong pinangako ko, P25,000. Doon sa ospital hanggang sa makalabas kayo. Gamot ni baby, gamot ninyo kung may kailangan man, kami na ang bahala,” sabi sa kaniya ni Tulfo.

Saka na lamang daw nila aayusin ang problema ni Tapia sa dating kinakasama nito upang hindi siya ma-stress. Kinabukasan ay ipina-check up si Tapia at ibinili ng vitamins nito.

Imahe mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

Tinupad naman ni Tulfo ang pangako at muling binalikan ang ginang matapos niyang manganak. Sinagot nila ang lahat ng bills pati na rin ang newborn screening ng sanggol. Dahil sa lubos na pasasalamat ng ina ay pinangalanan niya ang sanggol na “Precious Raffa Guine.”

“’Yong Raffa kinuha ko kay Sir Raffy Tulfo dahil isa po siya sa nakatulong lalo na sa gastusin,” paliwanag niya.

Samantala, nagharap na rin si Grace at ang dating kinakasama na si Leomar at nagkasundo na lamang na magpapadala ang ama ng halagang P4,000 kada buwan at tuwing may kakailanganin sa medikasyon ang bata.

Source :

YouTube

Loading…