Buwanang sahod ng private school teachers dapat ding itaas

  • Sahod ng mga guro sa pribadong paaralan, iminungkahing itaas
  • Naghain ng panukalang batas si ACT Teachers Rep. France Castro na gawing P30,000 kada buwan ang minimum na sahod ng mga private school teachers
  • Sabi ni Rep.Castro na may mga guro sa private schools na pinasasahod lang ng P6,000 kada buwan

Isinusulong ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na mabigyan ng salary increase ang mga guro sa mga pribadong paaralan.

Imahe mula sa ACT Teachers Partylist

Sa paghahain niya ng House Bill No. 5166, sinabi ni Rep. Castro na ang mga private school teachers, partikular na ang mga nakatalaga sa labas ng Metro Manila na nagtuturo ng basic education, ay nakararanas ng hindi patas na pagtrato pagdating sa kanilang  sweldo at benepisyo.

Aniya, napapanahon na upang mabigyan ng makatarungang pasahod ang mga nasabing guro na matagal nang nagtitiis sa sweldong mas mababa kaysa sa minimum wage sa kabila ng katotohanang sila ay mga lisensyadong propesyunal na may taglay na kwalipikasyon upang magturo.

“There are even reports of private elementary and high school teachers being paid salaries ranging from P3,000 to P6,000,” nalulungkot sa pahayag ng mambabatas.

Ipinanukala niya na gawing P30,000 kada buwan ang minimum na sweldo ng mga private school teachers.

“It is true that many private schools give lower salaries than the government. That is why we filed a bill increasing the minimum monthly salaries of private school teachers to P30,000,” paliwanag niya.

Imahe mula sa ACT Teachers Partylist

Batay sa Annual Survey ng Philippine Business and Industry for the Education naginawa noong taong 2015, aabot sa halos 167,000 ang mga private school teachers sa bansa – 43,900 ang primary and elementary private school teachers, 94,300 ang  general secondary private school teachers at  28,700 naman ang private pre-primary or pre-school teachers.

Loading…