Camille Prats sa body positivity: ‘Be comfortable in your own body’

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats
  • Nag-post si Kapuso actress Camille Prats ng larawan na naka-swimsuit at nagkuwento tungkol sa pinagdaanan niya tungo sa pagmamahal sa sariling katawan
  • Noon daw ay palagi niyang iniisip kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol sa mga suot niyang damit
  • Nagpasalamat din siya sa body positivity advocates na tumutulong sa mga katulad niya na alagaan at tanggapin ang sariling katawan

“Wear that dress you’ve been wanting to wear but has been hesitating to because of what others might say.”

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats

Ito ang payo ng Kapuso actress na si Camille Prats sa mga katulad niya na dumaan din sa stage na nag-aalala kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol sa kanilang katawan. Bilang suporta sa pahayag na ito, nag-post si Camille ng larawan na naka-swimsuit at sinamahan ito ng mahabang caption tungkol sa pinagdaanan at kung paano niya ito nalampasan.

Kuwento ni Camille, bilang artista ay naranasan niyang maging sobrang conscious sa kaniyang katawan. Ito raw ang dahilan kung bakit nasanay siyang hindi nagsusuot ng mga fit na damit.

Kuwento niya pa, noong teenager siya, kailangang mapanatili ang magandang katawan para makakuha ng mga role.

“During my teenage years, if they think you’re not thin enough, you don’t get the role, harsh noh? I’m glad that’s no longer the case these days. Thanks to the advocacy of body positivity!” sabi ni Camille.

Imahe mula sa Instagram | Camille Prats

Ngayon daw, natuto na siyang mahalin ang kaniyang sarili lalo na at may mga anak na siya.

“Being a mom of 3, I’ve come to terms with the fact that my body has grown 3 humans, that alone is more than enough for me to accept the changes my body has gone through,” sabi niya.

Payo niya sa mga katulad niyang dumanas ng hirap sa pagtanggap sa katawan, “start working out and eating right because you want to be healthy, not because you want to look good for others. Be comfortable in your own body even when others make you feel otherwise.”

Source :

Instagram

Loading…