Catriona Gray, sumagot na ukol sa pag-uugnay sa kaniya kina Alden Richards at Sam Milby

  • Single ngayon si Miss Universe 2018 Catriona Gray kaya may mga lalaking iniuugnay sa kaniya tulad nina Alden Richards at Sam Milby
  • Gayunman, sinagot na ng beauty queen kung ano ang estado ng dalawang aktor sa kaniyang buhay
  • Ang isa ay inamin niyang kaibigan, habang ang isa ay inamin niyang hindi pa niya personal na nakikilala

Nilinaw na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pag-uugnay ng kaniyang pangalan kina Alden Richards at Sam Milby. Nanliligaw nga ba ang dalawang aktor sa dalaga?

Ito ang sinagot ni Gray nang mag-guest ito sa Tonight with Boy Abunda.

Imahe mula sa Facebook page ni Catriona Gray

Sinabi ni Gray na maraming fans ang gustong pagtambalin sila ni Richards ngunit ang totoo ay hindi pa raw niya nakikilala nang personal ang GMA 7 artist.

“I feel like the fans are really shipping [us], which I think is a thing that fans do. I’ve never met Alden before,” pahayag ng beauty queen.

May naulat na noon na may nakapansin na madalas i-like ni Richards ang mga Instagram post ni Gray ngunit wala pang linaw kung iyon ba ay pagpapahiwatig na nais nitong pormahan ang dalaga.

Samantala, sinabi naman ni Gray na kung may ugnayan sila ni Milby ay iyon ay nasa ilalim sila ng iisang management company at iisang church lamang ang kanilang dinadaluhan. Dahil dito, inamin niyang magkaibigan sila ni Milby at hindi ito nanliligaw sa kaniya.

“[Si] Sam naman, we go to the same church, we’re under the same management, so friend naman siya,” paliwanag pa ni Gray.

Ang huling boyfriend ni Gray na alam ng publiko ay ang modelong si Clint Bondad. Nito lamang Pebrero 2019 ay inamin din ng dalaga sa parehong TV program na hiwalay na sila ni Bondad matapos ang anim na taon nilang relasyon.

Imahe mula sa Facebook page ni Catriona Gray

Samantala, hindi nagtatapos ang career ni Catriona sa pagpasa ng kaniyang korona bilang Miss Universe. Tiyak na panibagong yugto lamang ito ng kaniyang karera at patuloy pa nating masusubaybayan ang kaniyang ningning sa susunod na mga taon.

Hintayin natin ang tamang panahon para sa panibagong pag-ibig na sisibol sa buhay ng dalaga.

Source :

ABS-CBN

Loading…