“Christmas tree” na binili ng isang anak, nagdulot ng katatawanan

  • Naghatid ng saya at good vibes ang post ng isang netizen hinggil sa binili niyang Christmas tree
  • 20,000 libong piso raw ang budget na ibinigay sa kaniya ng ina upang makabili nito
  • Maliit na air freshener ang kaniyang binili

Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy hangga’t walang mga dekorasyong magiging palatandaan ng pagdiriwang na ito. Bukod sa Christmas lights, parol, at belen, isa sa mga hindi mawawalang dekorasyon ang Christmas tree.

Malaki man o maliit, higante man o “bonsai” version, ang mahalaga’y nakapagdudulot ng kasiyahan sa puso ang naturang simbolo.

Kaya naman, kinaaliwan ng netizen ang ibinahagi ng isang Facebook user na si Ron Paras hinggil sa binili niyang Christmas tree.

Imahe mula sa Facebook account ni Ron Paras

Ayon sa kaniyang Facebook post, inutusan daw siya ng kaniyang nanay na bumili ng Christmas tree. Binigyan siya ng malaking budget na nagkakahalaga ng 20,000 piso. Bilin pa nito, sa kaniya na raw ang sukli.

Subalit sa halip na matuwa, nagalit umano ang kaniyang nanay sa Christmas tree na kaniyang binili. Imbes kasi na malaki at tinitingalang Christmas tree, isang maliit na air freshener lamang ang binili ng anak.

“Binigyan ako ng 20k ni Ermat pambili ng Christmas tree tapos akin na raw sukli. Galit na galit sa nabili ko eh ang bango naman!” ayon sa kaniyang caption.

Maraming netizens ang natuwa at natawa sa ibinahagi ni Ron. Sabi ng isa: “It made my day! Tama lang naman yang binili mo. Kaysa yung Christmas tree na malaki, amoy–plastik pa na chemical…”

Isa pang netizen ang nagsabi na “Mahal naman ng Christmas tree na 20,000 piso, ano yun, galing pa sa bahay ni Santa Claus? Hahaha. Pero benta sa akin ah. Good vibes lang!”

Public Domain Image

May isa pang nagkomento na “Fresh na fresh ang Pasko ninyong mag–ina.”

Totoo man o hindi ang naturang kuwento, ang mahalaga ay nagdulot naman ito ng good vibes sa mga netizen. Iyan naman ang kabuluhan ng Pasko, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…