Concerned netizen, pinaalalahanan ang mga turista na huwag maging salaula kapag namamasyal sa ibang lugar

  • Nagbigay ng paalala ang isang concerned netizen sa mga turista
  • Laging isaisip at dalhin ang disiplina
  • Huwag magkalat, itapon sa basurahan, o bitbitin na lamang ang sariling mga basura

Isa sa mga paraan upang ipagdiwang ang Pasko, at maging ang pagsalubong sa Bagong Taon, ay ang pamamasyal o pagdayo sa mga sikat na lugar kung saan dumarayo ang mga turista. Hindi ba’t kay sarap kumain at makasama ang buong pamilya kapag maganda na ang tanawin, malamig pa ang klima? Kaya naman nasa unahan ng listahan ng travel goals ng holiday season ang Baguio City sa Benguet.

Subalit sa pagdagsa ng mga turista, tiyak na dagsa rin ang mga kalat sa paligid. Iyan ang nasaksihan ng isang concerned netizen na nagngangalang Roland matapos niyang ibahagi ang napakaraming mga naiwang basura sa mga tanyag na pasyalan sa Baguio tulad ng Burnham Park.

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post noong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2019, nagbigay siya ng kaunting paalala sa mga darayong bisita o turista.

Imahe mula sa Facebook account ni Roland Apilado

Ayon sa kaniyang caption, “Dear visitors, (yes, visitors), Pwede tayong maging bisita pero HINDI pwedeng maging dugy0t. Baguio welcomes you with cold fresh air, please do respect in return.”

“I do morning jog daily at ito ang lagi kong nakikita, nadadaanan. Worse comes to worst as the season is approaching ta paadu nga paadu ti visitors tuy Baguio, including parkings nga crowded along Burnham Park and Athletic-madaling araw pa lang puno na. People leave their trashes here, there and everywhere,” dagdag pa niya.

Kaya paalala ng netizen sa mga turista, “CREATE your memories here but never ruin the place with your trash. Let Baguio feels that Christmas is as MERRY as yours.”

May pahabol pa siyang dagdag na mungkahi. “Ibalik ang GMRC (sa mga paaralan). ADULTS must be required to take. Balik lahat sa grade 1.”

Umani naman ito ng komento mula sa iba pang mga concerned netizen. Giit ng isa, “Wala talagang disiplina ibang Pinoy, kaya walang asenso! Kawawang Inang Bayan!”

Imahe mula sa Facebook account ni Roland Apilado

“Ay grabe naman oh, feeling nila may tagaligpit ng kalat nila,” turan naman ng isang residente sa Baguio.

Mungkahi naman ng isa pang netizen, “Practice CLAY GO (Clean As You Go), visitors. Please naman. Magkaroon naman tayo ng disiplina sa sarili.”

Matagal nang isyu ang hinggil sa hindi tamang pagtatapon ng basura sa kung saan–saan. Kailan kaya magkakaroon ng disiplina ang ilan nating mga kababayan?

Source :

Facebook

Loading…