Dahil sa mga OFWs na hindi naswelduhan, DOLE lilimitahan ang deployment ng Pinoy workers sa Saudi Arabia

  • Deployment ng OFWs sa Saudi Arabia, lilimitahan ng DOLE
  • Ang limitasyon sa deployment ay upang pukawin ang atensyon ng Saudi Arabia sa mabagal nitong aksyon sa mga reklamo ng OFWs na hindi naswelduhan ng employers
  • Isang grupo na nagsusulong ng kapakanan ng mga OFWs ang sumuporta sa desisyon ng DOLE 

Magtatakda ng limitasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa susunod na taon.

Imahe mula sa PNA

Ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang desisyon na limitahan ang deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) upang pukawin ang atensyon ng gobyerno ng Saudi Arabia sa ipinagpapalagay na mabagal na aksyon nito sa mga reklamo ng maraming OFWs na hindi naswelduhan ng kanilang mga employers.

“The purpose of this scaling down is to call the attention of the Saudi Government to what we consider as slow action,” anang kalihim.

Nasa 13,000 OFWs na ang napauwi sa bansa na hindi naswelduhan. Aabot sa P4.6 billion ang unpaid claims ng mga manggagawang Pinoy. Posible umanong hindi na mabayaran ang mga ito.

“Their claim is about P4.6 billion and we got a report from our Ambassador in KSA that probably we’ll not get any compensation,” ani Sec. Bello.

Imahe mula sa PNA

“They filed their claims. They won their claims but up until now, it is still not paid. We made representation. No less than the President sent a letter to the KSA king, but there is still no action,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga naghihintay ng kanilang pending back pay ay ang 200 Filipino employees ng isang contractor ng Saudi Aramco, ang pinakamalaking oil firm sa buong mundo, na hindi pa nagpapasweldo mula pa noong buwan ng Abril 2019.

Nagpahayag naman ng suporta ang Blas Ople Policy Center, isang grupo na nagsusulong ng kapakanan ng mga OFWs, sa desisyon ng DOLE na limitahan ang pagpapadala ng OFW sa KSA.

Source :

UNTV, PNA

Loading…