Dalawang dambuhalang cruise ships nagbanggaan sa Mexico

  • Dalawang dambuhalang cruise ships nagbanggaan sa Mexico
  • Nagkaroon ng ilang pinsala ang isa sa dalawang cruise ships
  • Hindi naapektuhan ng insidente ang kakayanang maglayag ng dalawang cruise ships na sangkot sa banggaan

Nagulantang ang mga pasahero ng dalawang naglalakihang cruise ships nang magbanggaan ang mga ito sa pantalan sa Cozumel, Mexico noong Biyernes, ika-20 ng Disyembre. Ang mabagal na banggaan ay nakunan ng video.

Screenshot mula sa video ng CNN

Ayon sa salaysay ng Carnival Cruise Line, bumangga ang Carnival Glory sa Carnival Legend sa Cozumel port Biyernes ng umaga. Nagmamaniobra umano ang Carnival Glory upang pumarada pero tumama ito sa Carnival Legend na una nang nakaparada.

“Carnival Glory had a c0llisi0n with Carnival Legend this morning in Cozumel. Carnival Glory was in the process of docking when it made contact with Carnival Legend which was already docked,” ayon sa kumpanya.

Anim na pasahero ng Carnival Glory ang nagtamo ng minor injury na agad namang nilapatan ng lunas sa medical center ng naturang cruise ship.

Ini-release ng kumpanya ang isang sulat na ginawa ni Carnival Glory Captain Pero Grubjesic para sa mga pasahero noong Biyernes ng gabi.

Sa pamamagitan ng sulat ay humingi ng paumanhin sa mga pasahero si Captain Grubjesic sa nangyaring insidente at sinabi niya na isinasagawa na ang isang pormal na imbestigasyon. Aniya, naniniwala ang mga opisyal na posibleng ang biglaang bugso ng hangin o malalakas na agos ng dagat ang dahilan ng banggaan.

Screenshot mula sa video ng CNN

Hindi naman naapektuhan ng c0llisi0n ang abididad ng dalawang cruise ship na makapaglayag.

“We will do a deep investigation on this. But the most important thing is the ships are able to sail and they can continue on with guests having a great vacation,” pahayag ni Arnold W. Donald, ang chief executive officer ng Carnival Cruise Line.

Sabi pa ni Donald, nagkaroon ng ilang pinsala ang Carnival Glory, ngunit agad raw itong makukumpuni.

Source :

CBS, ABS-CBN

Loading…