DepEd magsasanay ng 300 guro upang magturo ng wikang Mandarin

  • Magsasanay ang DepEd ng 300 guro upang magturo ng wikang Mandarin sa mga pampublikong paaralan
  • Batay ito sa kasunduang nilagdaan ng DepEd at Confucius Institute
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Magkasamang nilagdaan ng mga opisyal ng Department of Education o DepEd at Confucius Institute ang isang kasunduan na magbibigay ng pagsasanay at scholarship sa tatlong daang gurong Pilipino upang makapagturo ng wikang Mandarin sa mga pampublikong paaralan bilang pagtalima sa Special Program in Foreign Language o SPFL.

Nakasaad sa Memorandum on Agreement o MOA na inaasahan nilang makapagsanay ng 300 mga gurong Pilipino sa susunod na limang taon upang kumuha ng Master of Arts degree, major in Chinese language teaching o MAEd CLT upang makapagturo sila ng Mandarin sa mga Pilipinong mag–aaral.

Public Domain Image

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Angeles University Foundation of the Philippines at Fujian Normal University of China. Ang mapapalad na mga guro ay mag–aaral ng dalawang taon sa Pilipinas at anim na buwan naman sa China. Isa rin ito sa mga paraan upang mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ang SPFL ay isa sa mga espesyal na programa ng DepEd upang malinang umano ang multiple intelligences ng mga mag–aaral na magagamit niya sa kaniyang pamumuhay sa global at kultural na pamayanan. Bukod sa Mandarin, nauna na rito ang mga wikang French, German, Korean, at Japanese o Nihonggo.

Iba–iba naman ang opinyon dito ng mga netizens.

“Can this be part of the curriculum? Also, this is very important to learn across all students because they can use this on their employment and future business, good move, DepEd!”

“In general, learning another language is good as it makes us more competitive. It opens up a lot of opportunities for us to do business with other countries.”

Public Domain Image

“DepEd, please train teachers to teach English – not Mandarin. The medium of instruction in business is STILL English. Unfortunately, there are graduates who can’t even compose a simple business letter!”

“Speaking Mandarin has many advantages, but Filipinos are not even good in communicating in their own language! ‘Jack of all trades, master of none. Sana mapahalagahan din ang pagpapahusay sa paggamit ng wikang Filipino.”

Hindi maitatatwang ang China ay isa sa mga kinatatakutang bansa ngayon dahil sa maunlad na ekonomiya at industriya nito, kaya marami sa mga dayuhan ang nag–aaral na rin ng Mandarin.

Loading…