‘Di napigilan ng pagyanig: Magkasintahan, ikinasal sa tent sa Davao del Sur

Imahe mula sa video ng TV Patrol Southern Mindanao via Facebook
  • Walang nakapigil sa magkasintahan sa Davao del Sur na magpalitan ng ‘I Do’ kahit pa ang kasal sana nila sa munisipyo ay nauwi sa emergency shelter
  • Ito ay matapos masira ng pagyanig ang munisipyo kung saan nakatakda sanang magpakasal sina Manilyn Dapusala at Glendel Zamora
  • Nasaksihan ito mga kaanak ni Zamora at kanilang mga ninong at ninang. Hindi na nakadalo ang mga kapamilya ni Dapusala na nasa Maynila pa

Bilang pagpapatunay na walang kahit anong un0s ang makapipigil sa kanila, maging lind0l man, itinuloy ng magkasintahan ang kanilang pag-iisang dibdib sa Kiblawan, Davao del Sur.

Imahe mula sa video ng TV Patrol Southern Mindanao via Facebook

Sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay, ikinasal sina Manilyn Dapusala at Glendel Zamora ni Kiblawan Mayor Carl Jason Rama sa loob ng isang emergency shelter dahil nasira ng pagyanig ang munisipyo kung saan sana sila ikakasal, ayon sa report ng ABS-CBN.

Dumalo rito ang mga magulang ni Zamora at ang kanilang mga ninong at ninang. Samantala, hindi na nasaksihan ng mga kaanak ni Dapusala ang espesyal na araw na ito ng kanilang buhay dahil nasa Maynila pa ang mga ito.

Kahit nasa long distance relationship dahil nasa New Zealand si Zamora upang magtrabaho, ay naging matibay ang anim na buwan na relasyon ng dalawa. Kaya naman sabi ni Zamora, kahit ano pa ang mangyari ay talagang itutuloy nila ang kasal.

Samantala, sabi naman ni Mayor Rama, tamang ipinagpatuloy lang ang kasal sa kabila ng sunud-sunod na mga pagyanig doon. “Kahit na may pangyayari na lind0l, tinatanggap pa rin natin, kinakasal pa rin natin sila. Importante ‘yong happiness nila,” sabi ni Mayor Rama.

Imahe mula sa video ng TV Patrol Southern Mindanao via Facebook

Si Dapusala naman, masaya na sa simpleng pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib. “Para sa akin, be practical. Tulad ng ganito may kalamidad, mas okay na ganito na lang, simple. Basta mahalaga, nagmamahalan naman kayo,” sabi niya.

Matatandaang niyanig ng magnitude 6.9 na lind0l ang Davao Del Sur noong Linggo at umabot na sa 700 na aftershocks ang naitatala simula noon.

Best wishes, Manilyn at Glendel. Nawa ay walang kahit anong un0s, literal man o hindi, ang makaapekto sa inyong pagmamahalan.

Loading…