Dimples Romana, tinuruang magtanim ang anak sa mga recycled bottles

  • May bonding moment ang aktres na si Dimples Romana at ang anak niyang si Alonzo
  • Tinuruan niya ang anak na magtanim ng halaman sa recycled bottles
  • Habang bata pa raw ay kailangan nang turuan ang anak na pangalagaan ang Inang Kalikasan

Isa ang aktres na si Dimples Romana sa mga artistang nagningning ang bituin sa taong 2019 dahil sa mabisang pagganap niya bilang “Daniela Mondragon–Bartolome”, ang kontrabida sa buhay ni “Romina Mondragon” na ginagampanan ni Beauty Gonzales sa hit teleseryeng “Kadenang Ginto”.

Bukod sa pagiging mahusay na aktres, isa ring “dedicated wifey at momshie” si Dimples. Batay sa kaniyang Instagram post ni Dimples, nag–bonding sila ng kaniyang anak na si Alonzo sa pamamagitan ng pagtuturo dito kung paano magtanim ng mga halaman sa recycled bottles.

Imahe mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Dimples na masayang–masaya siya at ang anak sa kanilang ginagawa. Kailangang bata pa lamang daw ay turuan na silang isalba ang Inang Kalikasan sa tuluyang pagkasira nito sa pamamagitan ng Reduce, Reuse, and Recycle.

Ayon sa caption, “Starting them young. Back to basics kami, Reduce, Reuse and Recycle. Using our old (brand ng isang sikat na soft drinks) bottles sa bahay and making them into planters, super enjoy si Alonzo sa activity namin ngayong umaga. Just cut up the half portion of the 1.5 bottles, get tiny plants of your choice and lupa mula sa bakuran.”

“One of the best and most meaningful simple bonding activities we’ve done at home encourage our children that even through simple and little ways we can help take care of Mother Earth magandang umaga mula sa aming tahanan!,” dagdag pa ni Dimples.

“Feel blessed” nga si Dimples sa mga nangyayari sa kaniyang career bilang artista, dahil talaga namang sumikat siya nang husto ngayon. Patunay riyan ang iba’t ibang memes na ginagawa sa kaniyang karakter na nakikita sa mga social media. Napabilang din siya sa pelikulang “The Mall The Merrier” na entry nina Anne Curtis at Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2019.

Imahe mula sa Instagram account ni Dimples Romana

Kahit na abala sa mga taping at iba pang showbiz commitment, hindi kinalilimutan ni Dimples na maglaan ng oras at panahon para sa kaniyang pamilya. Sabi nga niya sa isang panayam, handa niyang talikuran ang tinatamasang tagumpay ngayon sa kaniyang karera, kung mapapabayaan naman niya ang kaniyang pamilya.

Source :

Instagram

Loading…