DOTr, itinangging mawawalan ng trabaho ang 17,000 riders ng Angkas

Imahe mula sa Facebook | DOTr at Angkas
  • Kamakailan lamang ay naglabas ng statement ang Angkas at sinabing maaaring mawalan ng trabaho ang 17,000 riders nito
  • Nilinaw ng Motorcycle Taxi Technical Working Group ng Department of Transportation na hindi mawawalan ng trabaho ang mga ito
  • Magkakaroon pa raw sila ng pagkakataon na pumili kung mananatili sa Angkas o lilipat sa ibang motorcycle taxi service providers

Ilang araw matapos ibalita ng Angkas na maaari silang mabawasan ng 17,000 na riders sa pagpasok ng bagong taon, naglabas ng open letter ang Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) sa pamamagitan ng Department of Transportation (DOTr).

Imahe mula sa Facebook | Angkas

Ayon sa sulat, gumawa raw ng ingay ang Angkas at gumamit maging ng emotional blackmail nang maglabas ito ng Official Statement na nagsasabing mula sa 27,000 na Angkas bikers nila ay 10,000 na lamang ang maaaring matira.

“That’s a compromise to the quality of service you can expect, and A DIRECT BLOW TO OVER 17,000 FILIPINO FAMILIES,” sabi ng Angkas.

Ipinaliwanag ng Motorcycle Taxi TWG na hindi totoong mawawalan ng trabaho ang 17,000 riders. Sa katunayan, mabibigyan pa raw ang mga ito ng pagkakataon na mamili kung ipagpapatuloy ang pagtatrabaho sa Angkas o kung pipiliin ang kompanyang JoyRide at Move It.

“Your argument that 17,000 out of your 27,000 riders will be deprived of their livelihood does not hold water, as they are the prospects of JoyRide and Move It. For Angkas to claim the 17,000 as their own is in itself curtailment and infringement of the right of the rider to seek the best employment opportunity,” sabi nila.

I-click ang larawan para mabasa ang buong pahayag via Facebook

Gusto lamang daw nilang magkaroon ng “healthy competition” sa mga motorcycle taxi service providers upang masiguradong may pagpipilian ang mga mananakay.

“The fact remains that you want exclusivity with these riders to establish a monopoly. That, Sir, is unacceptable, and that is precisely what the government is trying to avoid at all cost,” sabi pa nila sa open letter.

Ipinaalala rin nila na nasa pilot run pa lamang ang Motorcycle Taxi Service at wala pang opisyal na transport franchise ang Angkas. “Your participation is a privilege that the government has extended, and it should not be construed as a right to impose or demand monopolistic provisions that will be detrimental to the program in the long run,” sabi pa ng Motorcyle Taxi TWG.

“At this point, what is becoming clear is that Angkas is not really concerned with the pilot study and the livelihood of its riders. It is only concerned with the livelihood of its owners,” pagtatapos nila.

Loading…