DOTr, LTFRB nagbabala matapos mapanood ang viral video ng nangongontratang taxi drivers

  • Nagbabala ang DOTr at LTFRB sa mga taxi driver na nanlalamang ng kanilang pasahero
  • Ito ay matapos pag-usapan sa social media ang vlog na pinamagatang “Pinoy social experiment”
  • Ginawa ang social experiment upang malaman kung ilan ang mga taxi drivers na honest at ilan ang dish0nest

Nagbigay ng babala ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga taxi drivers na nanlalamang sa kanilang mga pasahero lalo na ngayong holiday season.

Imahe mula sa UNTV

Ito ay matapos makarating sa dalawang ahensya ng pamahalaan ang nag-viral na video sa social media tungkol sa mga taxi driver na nangongontrata ng pamasahe at ayaw gumamit ng kanilang taxi meter.

Ang viral video ay ginawa ng isang Amerikanong si Carson “Caloy” Moody na matagal nang naninirahan sa bansa. Ipinost ni Caloy ang vlog na pinamagatang “Pinoy Social experiment” sa kaniyang Facebook page na “Bisayang Hilaw.”

Aniya, gagawin niya ang social experiment upang malaman kung ilan ang mga taxi drivers na honest at ilan ang dish0nest. Ang mga honest drivers ay bibigyan niya ng reward na P1,000. Mayroon nang mahigit tatlong milyong views ang vlog.

Batay sa video, dismayad0 si Caloy at ang dalawa niyang kasamang Pinay sa labing-isang dish0nest taxi drivers. Ang isa ay nangongontrata ng halagang P600 at ayaw gamitin ang metro. Ang ilan naman ay nagpapadagdag ng halagang P50 hanggang P100 sa reading ng taxi meter.

Screenshot mula sa vlog ni Bisayang Hilaw

Tatlong honest taxi drivers lang ang na-engkwentro ng grupo ni Caloy na nabiyayaan ng P1,000 reward bawat isa.

“We will not ignore this, instead we will intensify the campaign against taxi drivers who openly defy our regulations,” pahayag ng DOTr. Ayon naman kay LTFRB Technical Division chief Joel Bolano, ang ginawa ng mga dish0nest taxi drivers ay maliwanag na paglabag sa prangkisang ipinagkaloob sa mga public utility vehicles tulad ng taxi.

Aniya, papatawan ng P5,000 multa ang mga taxi driver na mapapatunayang nangongontrata at naniningil ng sobra. Nanawagan din si Bolano sa publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang mga katulad na insidente para magawan ng agarang aksyon.

I-click ang larawan upang mapanood ang social experiment na ginawa ni “Bisayang Hilaw:”

Screenshot mula sa vlog ni Bisayang Hilaw

Loading…