DOTr, nakiusap na i-report ang mga nananabotahe sa PNR

Imahe mula kina JM Lit at PNR General Manager Junn Magno
  • Nakiusap ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na i-report ang mga nambabato at nananab0tahe sa operasyon ng Philippine National Railways (PNR)
  • Ito ay matapos maiulat na may 14 insidente na ng pamamato sa loob lang ng dalawang linggo
  • May mga sumusubok din daw sirain ang bagong dating na tren mula sa Indonesia dahil sa paglalagay ng kung anu-ano sa riles

Umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na makipagtulungan sa kanila na i-report ang mga ginagawang pambabato at pananab0tahe sa operasy0n ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

I-click ang imahe para mabasa ang buong post via Facebook

Kamakailan lamang ay 14 na insidente na ng pambabato ang naitala ng PNR sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo mula Disyembre 2-21, 2019.

“Your support and assistance will go a long way in helping us put a stop to this nonsensical activity that only endangers lives and property,” sabi ng ahensiya.

Mariin din nilang kinondena ang mga pamamatong ito na hindi lamang daw nakasisira sa mga tren kundi nailalagay pa  sa alanganin ang buhay ng mga pasahero. Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa mga awtoridad upang imbestigahan ito at mapanagot ang mga nasa likod ng mga pamamato.

“The trains are owned by the Filipino people, and we should do our part in helping their maintenance and upkeep, and help ensure that we protect these infrastructure investments so that majority of our fellow citizens may enjoy their long-term use,” sabi ng DOTr sa pahayag sa kanilang Facebook page.

Screen capture mula sa GMA News

Ayon sa mga ulat, may ilang tren nang huminto muna sa pagbiyahe habang hindi pa nare-repair. Isa na rito ang tren na nabasag ang pinto matapos batuhin bandang 12:30 p.m. noong Disyembre 20, sa Canlalay, Binan, Laguna.

Sabi ng DOTr, mabuti na lamang daw at hindi naging biktima ng mga insidenteng ito ang mga bagong dating na tren mula sa Indonesia pero may mga sumusubok daw na sirain ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kung anu-ano sa riles ng tren.

“There is no place in society for these dastardly acts, especially at a time when your government is doing everything it can to provide the riding public with modern transport infrastructure,” sabi ng DOTr.

Kailangan talaga ng malawakang pagtutulungan ng mga tao sa suliraning ito.

Source :

Facebook

Loading…