‘Edukasyon ang solusyon’: Dating tapasero, isa nang maestro

Imahe mula sa Facebook | Melvin Buracho
  • Ibinahagi ni Melvin Buracho ang kuwento ng kaniyang tagumpay
  • Dati siyang tapasero na nagsumikap sa buhay upang maiahon ang pamilya sa hirap
  • Marami siyang pinagdaanan, at isa na rito ay ang pagkumbinsi sa ama na payagan siyang mag-aral

Inspirasyon ang dala ng isang dating tapasero na ngayon ay isa nang licensed teacher.

Kuwento ni Melvin Buracho, maaga siyang namulat sa hirap ng buhay kaya naman nag-asam siyang makapagtapos ng pag-aaral. Subalit wala sa pamilya niya ang nakapagtapos. Ang ama niyang nakaabot sa Grade 6 ang may pinakamataas na educational attainment sa kanila kaya hindi ito naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon.

I-click ang larawan para mabasa ang buong post via Facebook

Nasa elementarya pa lamang si Melvin ay nagtatrabaho na siya bilang tapasero sa tubuhan. Tatlong beses sa isang linggo raw siyang nagtatrabaho habang apat na araw naman siyang pumapasok sa eskuwelahan. Kahit matiyaga niyang nilalakad ang maputik na daan papunta sa kaniyang paaralan ay hindi bumibilib sa kaniya ang ama niya na madalas na nagpapaalala sa kaniya na walang pera sa edukasyon.

Noong Grade 4 daw siya ay huminto na siya sa pag-aaral.

“As an 11-year-old child, I worked full time as tapasero. The heavy bundle of sugar cane and the excruciating heat of the sun made my young mind understand the cruelties of life,” sabi niya sa isang Facebook post.

Sa kabila nito, nagpapasalamat daw siya sa karanasang ito dahil sa murang edad ay naitanong niya sa sarili kung hanggang kailan siya magtitiis sa init at bigat. Noon daw ay naisip niyang makipagsapalaran at maghanap ng ibang trabaho at ipinangako sa sarili na ipapakita niya sa ama ang kahalagahan ng edukasyon.

Noong 2015, may mag-alok umano sa kaniyang maging working student sa isang restaurant. Dito raw siya nakapagtapos ng Grade 6 with honors. Naghanap din  siya scholarship at nakapagtapos  ng high school.

Imahe mula sa Facebook | Melvin Buracho

Sa kasamaang palad, noong March 20, 2010 daw ay binawian ng buhay ang kaniyang ama. Naging malaking dagok ito para sa kaniya at huminto muna siya sa pag-aaral upang suportahan ang kapatid na nag-aaral.

“I worked in different malls in Cebu City. No plans for my life until one day I was awakened when my batchmates graduated from college. I was envi0us. I felt little about myself,” sabi niya.

Napagdesisyunan niya raw na muling maghanap ng scholarship upang makabalik ng pag-aaral. Pero bago ito ay dinalaw niya ang kaniyang ama sa himlayan nito at humingi ng tawad sa kaniyang mga pagkukulang. “I promised him the things I used to promise but this time not because of hatred but of love. I told him, I will do this for mom and my siblings,” sabi niya.

Nakakuha raw siya ng scholarship mula sa kanilang LGU at nag-enroll sa kursong Bachelor of Elementary Education, major in General Education sa Cebu Normal University at dito na unti-unting nagbago ang takbo ng buhay niya.

“My mother supported me along the way. She showed me the support that I never experienced. In my ups and shortcomings, she was there with me in every possible way,” sabi niya.

Dahil dito, naging consistent dean’s lister daw siya at nakapagtapos with flying colors nito lamang taon. Nakapasa na rin siya sa Licensure Exam for Teachers at naging unang propesyonal sa kanilang pamilya. Laking pasasalamat niya sa lahat ng mga nakatulong sa kaniya upang kahit natagalan, ay natupad pa rin niya ang kaniyang pangarap.

“Sa mga katulad kong mahihirap diyan, laging tatandaan na EDUKASYON ANG SOLUSYON,” payo niya sa mga kabataang nangangarap ding makapagtapos sa pag-aaral.

Tunay na isa kang inspirasyon, Melvin!

Source :

Facebook

Loading…