Efren ‘Bata’ Reyes, may payo sa mga gustong pumasok sa larangan ng billiards

Imahe mula sa PNA
  • Pinayuhan ni Efren ‘Bata’ Reyes ang mga gustong sumunod sa kaniyang yapak na unahin ang pag-aaral
  • Ayon sa kaniya, hindi billiards kundi pag-aaral ang makatutulong sa kanila
  • Ikinatuwa naman ng netizens ang pagiging ‘brutally honest’ ng 65 anyos na ‘The Magician’

Bagama’t nakapag-uwi na ng mga karangalan mula sa iba’t ibang panig ng mundo, pinayuhan ni The Magician Efren “Bata” Reyes ang mga millennial na nagbabalak na pumasok sa larangan ng billiards na unahin ang pag-aaral.

Imahe mula sa PIA

“Kung ako sa inyo, kung nag-aaral kayo, mag-aral na lang kayo,” sabi ng natatawang si Reyes sa isang interview. Ipinaliwanag niya ito at sinabing edukasyon at hindi billiards ang makatutulong sa kanila pagdating ng araw.

“Ang billiards, wala. Kailangan diyan magaling na magaling ka para kumita ka dyan,” dagdag pa ng 65 anyos na si Reyes. Kung gusto naman daw nila na pagsabayin ang billiards at ang pag-aaral ay puwede rin, basta raw mas maraming oras ang ibibigay sa pag-aaral.

“Nag-aaral ka saka nag-bibilliard ka, madalang lang ang billiards pero ang pag-aaral, tapusin mo muna,” sabi niya.

Ikinatuwa naman ng netizens ang pagiging honest daw ni Reyes.

“What’s not to like about this man? Always the humble guy and brutally honest yet matatawa ka pa rin,” sabi ni Brix. Sumang-ayon naman si Oli Denise sa payo ni Reyes. “Mag-aral talaga muna kasi hindi lahat pwedeng maging champion.

Imahe mula sa video ng GMA News via Facebook

“Very well said kahit biro ang bitaw pero totoong totoo siya. Ganiyan magpayo ang tunay na champion simple at madaling intindihin. Straight to the point, ‘ika nga. Mabuhay ka, The Magician,” sabi ni Del Suba.

Nag-uwi ng bronze si Reyes sa cushion carom semifinals sa ginaganap na Southeast Asian Games. Bagama’t inalok daw siyang sumali sa 9-ball at 10-ball ay pinili niyang magbigay-daan sa mga mas batang kalahok sa kanilang team.

“Itong sport na ito pang-matanda lang katulad ko. Nakita ko kasi na maraming bata sa lineup. Dahil marami na naman akong napatunayan sa larangan na ito, nararapat na ibigay ko naman sa kanila,” sabi niya sa isang interview.

Source :

Facebook, Rappler

Loading…