“Empowered woman”: Sino nga ba si Judge Jocelyn Solis-Reyes?

  • Nabuksan ang kuryosidad at interes ng publiko na kilalanin ang matapang na babaeng hukom na nasa likod ng hatol sa mga Ampatuan
  • Siya ay si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221
  • Marami ang humanga sa ipinakita niyang katapangan at integridad sa pagganap sa kaniyang tungkulin

Kasabay ng patuloy na pinag–uusapang hatol sa tinaguriang “trial of the decade”, pinag–usapan din kung sino nga ba ang matapang na hukom na nasa likod ng pagbibigay–hustisya sa maraming biktima ng mga Ampatuan. Ito ay walang iba kundi si Judge Jocelyn Solis–Reyes.

Si Judge Jocelyn Solis-Reyes ay ipinanganak noong 1960, at napiling presiding judge para sa kaso ng mga Ampatuan noong 2010. Siya ay tumutupad ng kaniyang tungkulin sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Public Domain Image

Si Solis-Reyes ay isang alumna ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law. Nanilbihan siyang public attorney mula 1992 hanggang 1995 at bilang public prosecutor naman mula 1995 hanggang 2000. Noong May 2001, naging presiding judge siya sa Municipal Trial Court ng Angeles at Olongapo City sa Pampanga.

Noong 2004, itinalaga naman siya bilang presiding judge sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221.  Naitalaga naman si Solis-Reyes bilang presiding judge sa kaso ng masaker sa Maguindanao sa pamamagitan ng lottery draw noong Disyembre 2009, matapos umurong ang naunang hukom na naitalagang humawak nito na si Luisito Cortez, dahil sa takot sa mga posibleng banta para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya.

Agad na nagpakita ng tapang at lakas ng loob si Judge Solis-Reyes dahil tumanggi siyang magkaroon ng security guards upang matiyak ang kaniyang kaligtasan laban sa mga posibleng banta, subalit hindi naglaon,  ibinigay din sa kaniya ang proteksyon mula sa  Philippine National Police sa ilalim ng compulsory provision.

Marami sa mga netizens ang tunay na humahanga sa katapangan ni Judge Solis-Reyes, isang simbolo ng ’empowered and independent women’.

Public Domain Image

Puri ng isa, “You have truly imbibed the virtues of a true Tomasino. May God be with you always and protect you from evil people… Stay safe always Judge Jocelyn Reyes.”

“Kudos to you, Judge Reyes! You have proven that women are powerful,” turan naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “A woman of courage and integrity! You have earned my eternal respect. Hoping for your safety. I hope you’ll step up. You can be at the Supreme Court.”

Pagbati sa iyo Judge Jocelyn Solis-Reyes! Saludo po kami sa inyo!

Loading…