Epic fail: Isang kapatid, kinain ang ice cream na ipinalagay lamang ng kapitbahay sa kanilang refrigerator

  • Viral ngayon sa social media ang isang kapatid na kinain ang ice cream sa refrigerator nila
  • Ayon sa ate ng netizen, hindi naman daw sa kanila iyon at sa kapitbahay na nakilagay lamang sa ref nila
  • Maraming netizens naman ang tawang-tawa sa karanasang ito ng kapatid na epic fail ang food trip

Bahagi ng magandang samahan ng mga magkakapitbahay ang pagbabahagi ng mga bagay na mayroon sila. Mayroong mga mahilig magbigay ng ulam sa mga naninirahan sa kanilang paligid. May ilan namang bukas lagi ang tahanan kung kailangang ihabilin ang mga bata pansamantala, partikular kung may lakad ang mga nagbabantay sa mga ito.

At dahil hindi lahat ng tahanan ay mayroong refrigerator, naging kultura na rin ng ilang mga Pinoy ang makilagay sa ref ng kanilang kapitbahay. Ngunit isang netizen ang mayroong epic fail na karanasan na may kaugnayan sa mga kapitbahay na nakikilagay ng pagkain sa ref.

Larawan mula sa Facebook post ni Angel Lim

Ibinahagi ng netizen na si Angel Lim sa kanyang Facebook account ang nakatutuwang chat nila ng kanyang kapatid na si Crystal Libre Lim. Mapang-asar pang chinat ni Crystal ang kanyang ate Angel na kinain na raw niya ang ice cream kahit wala pa ang kapatid niya. Bumili na lang daw uli si Angel sa pag-aakalang ito ang may-ari ng ice cream sa kanilang ref.

Agad namang nag-reply si Angel at sinabing hindi naman sa kanila ang ice cream na iyon at sa kapitbahay na nakiki-ref lamang. Sumagot naman si Crystal at sinabing akala niya ay sa kanila iyon kaya inubos na niya.

Madaling nag-viral sa social media ang pag-uusap ng magkapatid. Umabot na sa higit 9,300 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 348 comments, at 11,000 shares ang larawang ibinahagi ni Angel. Nagpahayag naman sa kanyang Facebook account si Crystal na binayaran naman daw niya ang kinain niyang ice cream.

Larawan mula sa Pexels

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa kakaibang karanasan na ito ni Crystal. Sana raw ay magsilbing aral na ito sa marami sa atin na siguruhin munang sa atin ang pagkaing kakainin. Ipinakikita rin daw nito ang hindi magandang dulot ng hindi pagpapaalam at basta na lamang pagkuha ng pagkain ng iba.

May mga netizens naman na humugot sa nangyari. Ayon sa kanila, hindi naman daw lahat ng nasa malapit sa iyo ay pag-aari mo na. Minsan daw, kahit nasa poder mo na, iba pala ang mag mamay-ari nito at paaasahin ka lang sa bandang huli.

Loading…