Estudyanteng nasa bakasyon, sinagutan ang assignment sa buhangin

Imahe mula sa Facebook | Mark Lemuel
  • Isang estudyante ang pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa pagbabahagi niya ng sagot sa takdang aralin na ipinadala ng guro
  • Dahil Christmas break na ay nasa bakasyon na rin si Mark Lemuel at natural na wala siyang gamit pang-eskwela
  • Upang makapagpasa pa rin ng takdang aralin ay sa buhangin niya sinagutan ang takdang aralin

Isa sa mga pinakainaabangan ng mga estudyante tuwing Pasko ay ang mahabang break mula sa eskwelahan dahil nagkakaroon sila ng oras upang makapagpahinga, makipag-bonding sa pamilya at mga kaibigan, o gawin anuman ang kanilang gusto.

Imahe mula sa Facebook | Mark Lemuel

Pero dahil sa modernong teknolohiya ngayon ay may kakayahan na ang mga guro na magbigay ng mga gawain kahit wala na sa loob ng silid-aralan. Kaya naman maraming mga mag-aaral ang naka-relate sa kapwa estudyante na si Mark Lemuel na nag-post sa Facebook tungkol sa ibinigay na takdang aralin ng kanilang guro ngayong Christmas break.

Ipinost niya ang assignment kung saan nakalagay sa panuto na “Answer the following items online within the day (9 p.m.).” Dalawang tanong ang pinasasagutan sa kanila. Pagbabahagi niya, “’Yong prof ko na nagpa-assignment kung kelan nasa bakasyon ka na at wala kang dalang papel…Sir! Assignment ko po.”

Makikita sa larawan na nasa Cabangan, Zambales siya kaya naman sa halip na sa papel ay sa buhangin niya sinagutan ang takdang aralin na due sa araw na iyon. Maraming mga estudyante ang naka-relate sa kaniya kaya naman ngayon ay may 7k reactions at 5k shares na ang post niya.

Imahe mula sa Facebook | Mark Lemuel

Ang Facebook user na si C. Domingo, pinansin ang pagiging resourceful ng estudyante. Sinang-ayunan ito ni J. Hermogenes na sinabihan si Mark na may matabang utak. Sabi naman ni V. Lacson, “Sir, wala ka namang sinabi kung saan isusulat e.”

May guro rin na nakakita nito at ibinahagi na maging sila ay marami rin namang gawain ngayong bakasyon. “Noche Buena nagcocompute ako sa Stat tapos putukan na sa New Year, nagpopolish pa rin ng paper. Buti na lang mabait ako sa mga students ko,” saad niya.

Source :

Facebook

Loading…