Exchange gift ng magkaka-opisina, kinaaliwan online

Imahe mula sa Facebook | Cherie Francisco Bonilla
  • Nakaugalian na ng mga Pilipino ang masayang padiriwang ng Pasko pero mas nagiging memorable ito dahil sa mga pakulong naiisip nila
  • Pinag-uusapan sa Facebook ang magkaka-opisina na nagdaos ng exchange gift
  • Kakaiba kasi ang mga natanggap nilang regalo dahil sa mga tema nitong ‘something embarrassing to carry in public’ at ‘something weird and fishy’

Parte na ng tradisyong Pilipino ang mag-exchange gift tuwing Pasko. Maaaring gawin ito ng mga magkakaibigan, magkakatrabaho, o hindi kaya ay magkakapamilya. Upang maging patas, kadalasan ay may nakatakdang presyo ang dapat na iregalo o hindi kaya ay may temang dapat sundin.

Para sa magkakasama sa trabaho na pinag-uusapan ngayon sa Facebook, “something embarrassing to carry in public” ang napagkasunduan at talaga namang nakakahiya ang natanggap nila mula sa mga kasamahan.

Imahe mula sa Facebook | Cherie Francisco Bonilla

Hindi ito nakalimutang i-dokumento ni Cherie Bonilla at ibinahagi pa niya ang mga nakatatawang tagpo sa Facebook. Ngayon ay may 27k reactions at 71k shares na ito. Bawat larawan na nagpapakita kung ano ang natanggap ng bawat isa ay nakahakot din ng libu-libong reaksyon mula sa netizens.

Ilan sa mga ito ay mapakikinabangan naman sa bahay katulad na lamang ng pantakip ng ulam, dust pan, walis tingting, at isang tray ng itlog pero pr0blema talaga nila kung paano ito bibitbitin pauwi.

Biro nga ni Bonilla sa isang Facebook status, “Lord, kahit hindi na marami. Kahit isang matinong regalo lang ngayong Pasko, at ayoko po sanang manggagaling sa mga katrabaho ko.”

Bukod pa rito, nagkaroon din sila ng isa pang exchange gift kung saan “something weird and fishy” naman ang tema at hindi pa rin naubusan ng pakulo ang magkakatrabaho.

Imahe mula sa Facebook | Cherie Francisco Bonilla

Sabi niya sa caption, “Monito, Monita Part 2. Something weird and fishy, pero bakit ganito?”

Marami sa kanila ay nakatanggap ng iba’t-ibang uri ng isda. Mayroong luto na at mayroon ding buhay pa at nakalagay sa arinola. Pero ang pinakabumenta ay ang natanggap ng isang babae na pantyliner na tila may dug0 pa. Nakupo!

Bukod sa saya na dulot ng pagbibigayan tuwing Pasko ay nakadaragdag din sa matatamis na nigiti ang creativity ng mga Pilipino kung paano mas gagawing memorable ang bawat pagdiriwang nito.

Source :

Facebook

Loading…