Exclusive motorcycle lane na may bakod balak ipatupad sa EDSA sa 2020

  • Eksklusibong lane na may bakod para sa mga motorsiklo planong ipatupad sa EDSA sa susunod na taon
  • Nag-usap na ang MMDA at DPWH tungkol sa proyekto
  • Sinabi ng MMDA na hinahanapan na lang ng pondo ang proyekto bago ipatupad

Maaaring magkaroon ng lane sa kahabaan ng EDSA na nababakuran at eksklusibo lang para sa mga motorsiklo sa susunod na taon kung sakaling matuloy ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Imahe mula sa LTO

Sa kasalukuyan ay mayroon nang designated motorcycle lane sa EDSA na makikilala sa pamamagitan ng blue lines, subalit hindi ito eksklusibo para sa mga motorsiklo dahil maaari din gumamit nito ang iba pang mga sasakyan.

Napansin din ng MMDA na hindi gaanong sinusunod ng mga motorcycle riders ang nakatakdang linya para sa kanila kaya plano ng ahensya na bakuran ang dedicated lane para sa mga motorsiklo.

“Napakahirap po ipatupad ng motorcycle lane considering the limited manpower the MMDA has. Napakahirap din ng non-contact apprehension kasi napakaliit o walang plaka ‘yung karamihan,” sabi ni MMDA traffic czar Edison “Bong” Nebrija.

Isiniwalat ni Bong Nebrija na may plano na para sa dedicated motorcycle lane  na may bakod. Aniya, hinahanapan na lang ng pondo ang proyekto bago iyon ipatupad. Alam at sinang-ayunan na umano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang plano.

“Pinag-uusapan na po namin together with DPWH ‘yung paglalagay ng dedicated lane. Kung matutuloy ito, ito ay naka-polar, hindi sila pwedeng labas-pasok,” ani Nebrija.

Imahe mula sa Top Gear Philippines

“Nakita ko na ‘yung plano, hinahanapan na lang siguro ‘yung pondo para ipatupad dahil bibili tayo ng polars. ‘Yan ‘yung ipapangbakod natin diyan para ma-segregate din ang buses and private vehicles,” dagdag pa ng MMDA official.

Sa ngayon nakatuon ang MMDA sa pagbabarikada sa ilang bahagi ng EDSA upang mapanatili ang mga pedestrians sa sidewalk.

Bong Nebrija/Imahe mula sa Facebook account ni Edison Bong Nebrija

Loading…