Filipina environmentalist, kabilang sa Women Divers Hall of Fame 2020

Imahe mula sa Facebook | Angelique Songco
  • Kabilang ang Filipina environmentalist na si Angelique Songco sa Women Divers Hall of Fame 2020
  • Ito ay ibinibigay sa outstanding women divers sa buong mundo
  • Matatanggap niya ang parangal sa March 2020 sa New Jersey

Napabilang ang environmentalist at ‘Mama Warrior’ ng Tubbataha Reefs Natural Park na si Angelique Songco sa Women Divers Hall of Fame (WDHOF) 2020, kasama ang limang iba pa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Imahe mula sa Facebook | Tubbataha Reefs Natural Parks and World Heritage Site

Si Songco ang lead ranger ng Tubbataha Reefs Natural Park, kung saan matatagpuan ang 360 coral species, 600 fish species, eight marine mammals, at halos 100 seabird species. Kinilala rin ito bilang UNESCO World Heritage Site. Kinikilala rin ng buong mundo ang Tubbataha bilang environmental model at destination.

Ang WDHOF ay isang international non-profit organization na naglalayong parangalan ang outstanding women divers at ipaalam na rin sa mundo ang kanilang mga kontribusyon. Sa ngayon ay may 229 na miyembro na ang WDHOF mula sa 30 US States and Territories at 19 iba pang mga bansa.

“WDHOF Members are the leaders, pioneers and record setting champions in every sector of the diving community, including arts, science, deep sea exploration, underwater archaeology, medicine, free diving, equipment technology, cave diving, wreck diving, military diving, commercial diving, media, training and education, and business,” sabi sa opisyal na website nito.

Kamakailan lamang ay tinanggap ni Songco ang 2019 KfW-Bernhard-Grzmek-Preis na kumikilala sa mga indibidwal at organisasyon na tumutulong upang i-preserve ang biodiversity ng mundo. “She has succeeded in raising awareness of environmental issues among the local community and, as a result, people have been taking greater care in using the Marine Protected Area,” sabi ng KfW.

Image mula sa Dive News Wire

Kasama ni Songco na pararangaan sa March 2020 sa New Jersey sina Susan R. Eaton, mula sa Canada. Isa siyang geoscientist, journalist, at polar explorer; si Natalie Gibb na taga Quintana Roo, Mexico, isang cave explorer, writer, at entrepreneur; Shirley Lee ng Virginia, USA, diving pioneer, dive association organizer, at swimming and diving champion; Caron Shake, mula sa Connecticut, USA. Isa siyang U.S. Naval Operations Scientist, research physiologist, at diving medical officer; at si Helene de Tayrac-Senic, mula sa France na dive show founder, rescue diver, at marine conservationist naman.

Congratulations!

Loading…