Filipina Resham Saeed, top 25 sa Miss Supranational 2019

Imahe mula sa Instagram | Resham Saeed
  • Kabilang sa top 25 ng Miss Supranational 2019 ang Filipina na si Resham Saeed
  • Bagama’t bigong maiuwi ang ikalawang korona ng Miss Supranational para sa Pilipinas, masaya si Saeed na mairepresenta ang bansa
  • May adbokasiya siyang gender equality at women empowerment

Kabilang sa top 25 ng Miss Supranational 2019 ang Filipina representative na si Resham Saeed sa coronation na naganap sa Silesia, Poland.

Imahe mula sa Instagram | Resham Saeed

Iniuwi ni Miss Thailand Anntonia Porsild ang Miss Supranational title. Samantala, first runner up naman si Yana Haenisch (Namibia), second runner up si Jesica Fitriana M. (Indonesia), third runner up si Janick Maceta Del Castillo (Peru), at fourth runner up si Gabriela De La Cruz (Venezuela).

Si Saeed ang successor ni Miss Supranational 2018 Jehza Huelar na napabilang naman sa top 10 noong nakaraang taon.

Updated ang fans ni Saeed sa mga dinaluhan niyang activities bago ang coronation night. Isang araw bago ang coronation, nag-post siya sa Instagram at inalala ang araw na ibinigay sa kaniya ang sash bilang representative ng Pilipinas.

“Can you believe that it’s been 16 days already? CORONATION NIGHT IS IN 1 DAY! Throwing it back to the sashing ceremony, the day I wore my Official Sash with pride,” sabi ni Saeed.

“What greater honor than to be a representative of your country, your people, your women.  I was reminded of that today as I unfolded my flag, I was reminded of how far I’ve come, how everything has prepared for that big day. With my loved ones support, my country cheering me on, and my girlfriends keeping my head held high….I’m excited to take that stage by storm,” sabi niya pa sa isang post.

Imahe mula sa Instagram | Resham Saeed

Si Saeed, 25, ay may inang Pilipina at Pakistani naman ang kaniyang ama. Scholar siya sa York University sa Canada at may kursong Psychology.

Bitbit ang adbokasiyang gender equality at woman empowerment, inaasahan sanang maiuwi ni Saeed ang ikalawang Miss Supranational title. Unang naiuwi ni Mutya Datul ang Miss Supranational title noong 2013 at hindi pa ito nasusundan.

Salamat, Resham, sa pagwagayway ng bandilang Pinoy sa Miss Supranational stage!

Loading…