Former hosts Paolo Bediones, Hans Montenegro, dumalaw sa ‘Unang Hirit’

Imahe mula sa Instagram | Unang Hirit
  • Nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ang morning show na Unang Hirit
  • Bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang, dumalaw ang dating hosts nito na sina Paolo Bediones at Hans Montenegro
  • Binalikan ng hosts ang masasayang episode noon ng Unang Hirit

Nostalgic ang 20th anniversary episode ng Unang Hirit (UH) nitong Biyernes matapos dumalaw ang dating mga hosts na sina Hans Montenegro at Paolo Bediones sa set bilang bahagi ng selebrasyon ng morning show.

Imahe mula sa video ng Unang Hirit via Facebook

Si Montenegro ay naging host ng UH mula 2000-2003 habang si Bediones naman ay noong 2007-2009. Masaya silang nakipagkuwentuhan sa mga host at ibinahagi kung ano ang pinaka hindi nila makalilimutan na experience sa UH.

Sabi ni Montenegro, tumatak sa kaniya ang episode kung saan nag-canopy walk sila ng co-host na si Lyn Ching. “’Nag white water rafting kami tapos pinalakad kami dun sa canopy walk na 100 ft. ang taas. Nakilala ko ‘yong Diyos noon kasi akala ko ‘yon na ‘yong huli kong segment,” pagbabahagi niya.

Para naman kay Bediones, maraming episode ng UH ang hindi niya malilimutan. Kabilang na rito ay ang mga araw na nasa labas sila ng studio. “Meron tayong remote na location shoot na ang aga mo magising, 2 a.m., 3 a.m. Nakakatuwa ‘yong days na ‘yon. Naalala natin ‘yong challenges ‘pag nasa remote tayo at hindi nakikita ng mga audience natin na ang daming bagay na nangyayari behind the scenes,” sabi naman ni Bediones.

Binati rin nila ang mga kasama dahil sa dalawang dekada nang UH.

Congratulatins! Happy 20th, UH. Actually, naiinggit ako sa inyo. Bakit kayo still on UH, hindi kayo tumanda. Kaming nawala sa UH, kami pa ‘yong namumuti na ‘yung buhok,” biro ni Montenegro.

Imahe mula sa video ng Unang Hirit via Facebook

Samantala, sinabi rin ni Bediones na malapit sa kaniya ang morning show dahil dito siya nagsimula. Pinansin din niya ang energy ng mga kasama na wala raw pinagbago.

“It’s amazing how some things have changed and some things are the same and looking at you guys, iba pa rin ‘yong energy na meron kayo for the past 20 years. I am so proud of you, guys. 20 years is…wow,” sabi niya.

Congratulations, UH!

Source :

Facebook

Loading…