‘From tournaments to tours:’ Site para sa mga dayuhang nasa bansa para sa 2019 SEAG, inilunsad

  • Naglunsad ang Department of Tourism ng microsite para sa mga dayuhang nasa Pilipinas para sa 2019 Southeast Asian Games
  • Layunin ng microsite na hikayatin ang mga dayuhang atleta at kanilang mga taga suporta na libutin ang Pilipinas upang makita ang natural nitong ganda
  • Makikita sa website ang iba’t ibang aktibidad at mga package mula sa mga provider na accredited ng DOT

Upang hikayatin na tuklasin ang ganda ng Pilipinas ng mga dayuhang atleta at kanilang mga taga suporta na nasa bansa para sa 2019 Southeast Asian Games, gumawa ang Department of Tourism (DOT) ng webpage tampok ang mga tourist destination sa bansa.

Imahe mula sa DOT

Sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, may 11,000 na mga bisita raw ang dumating mula sa iba’ibang bansa sa Southeast Asia kaya naman ito raw ang “perfect opportunity” para ipamalas ang ganda ng bansa. Ito raw ang dahilan kaya ginawa nilang accessible ang mga impormasyon na kakailanganin para sa kanilang travel goals.

“The soonest they step in the country, our guests already had a glimpse of what the Philippines has to offer. What we want to show them is that all these sporting hubs that they have visited and the Filipino hospitality they have experienced are just a fraction of the fun that awaits them,” sabi ni Sec. Puyat.

Makikita raw sa microsite ang iba’t ibang sports activities, cultural heritage sites, beaches, local cuisines, at iba pang produktong Pilipino.

Imahe mula sa DOT

Bukod dito, may feature din ang website kung saan mare-redirect ang mga bisita sa mga DOT-approved na tour packages na siguradong affordable. Ilan dito ay ang cultural tour sa Maynila, resorts sa Laguna, heritage at nature tour sa Ilocos Region at Zambales, beach at mga kainan sa Batangas, at recreational activities naman sa Tarlac at Pampanga.

“Aside from the website, we are also here to assist our guests and athletes to ensure the best tourism experience possible, and to contribute to the smooth implementation and success of the SEA Games in general,” pagsisiguro ni Puyat.

Source :

PNA

Loading…